As per Tita Vk and Tonita’s [aka Toni] request eto na po nanginginig pa…
Thai Sukiyaki (not your ordinary Sukiyaki hot pot) this is Manat [Iron Chef] version.
Preparation for Thai Sukiyaki (not your ordinary Sukiyaki hot pot) this is Manat [Iron Chef] version.
chili sauce, oyster sauce, fish sauce, sugar, sesame oil, chinese wine (or sake) whatever is available, sesame seed, red/green chili, garlic, lime, coriander leaves, bean thread noodles, water spinach (kangkong), shrimps, Vietnamese pork (yong puti ang casing), sukiyaki sauce (mae ploy brand) - so na prepare mo na diba?sumayaw ka ng rico mambo at macarena kasi noong niluluto nya yan eh sumasayaw sya, so baka iyon ang sekreto kaya masarap.
Yong sukat ng mga ingredients eh ikaw na ang bahala kasi depende naman iyan sa iyong panlasa at quantity ng lulutuin mo.
Pagsamasamahin mo sa isang kawali ang mga nabangit kong sangkap igisa mo lang sila sama-sama, pwera ang kangkong at bean thread. Pag nag-gisa mo na at tanya mong luto na ito ihalo mo na ngayon ang kangkong at bean thread at ang pinaka-pinaka-pinaka-pinaka huli mong ihahalo eh yong shrimps ayaw mo naman kasi na ma-over-over-over cook sya dibanetch? (yong hipon, balatan mo at buhusan mo ng kumukulong tubig).
Seafood Salad by Diwatang_Byaning [Top Chef] version.
shrimps, lemon grass, lime juice, fish sauce (nam pla / patis ), sugar, cilantro, onion, fresh mint
shallots, red / green chili, Vietnamese pork (white casing) and bean thread.
Pour boiling water into your shrimps. Pour boiling water into your bean thread [Ayaw natin i-over cook, kaya pour-pour lang po okay?]. Boil the Vietnamese pork and onion. Once every things ready put em’ in one bowl and mix altogether with fish sauce, lime juice, fresh cilantro / mint leaves and the chillies - at habang inihahalo-halo mo silang lahat, dapat nag la-lambada ka! It’s a must!!!
Papaya Salad (Som Tum) by Diwatang_Byaning
Our main ingredient here is unripe Papaya - obyus ba? kaya nga Papaya Salad diba? eh di kung Patola ang ingredient eh di sana ang tawag sa kanya Patola Salad? *Tok*
sugar, lime juice, unripe green papaya shredded, green beans, garlic, fish sauce (nam pla / patis), dried / fresh shrimp, crablets (optional), chilies, cherry tomatoes, and peanuts (toasted and it’s optional)
Wash and peel the Papaya, then you can start grating it. If you don’t have a grater… Eto ang madaling paraan at ang usual na ginagawa ko pero mag-ingat ka lang kasi baka mataga ang kamay mo, sige ikaw din at baka mamaya ang tawag na sa iyo eh putol! Mas masarap kasi ang Papaya Salad kung pinong-pino ang strands nito!
Hawakan mo ang Papaya sa isang kamay mo at taga-tagain mo naman gamit ang isang kamay mo. Medyo ibaon mo ng konti para hindi ka paulit-ulit na mag-tatataga jan, ang sinasabi ko yong palibot ng Papaya ang pagtatatain mo ha. Ngayon nataga mo na? Hiwa-hiwain mo sya haggang mahulog ang mga strands. (o diba! madali lang)
Sa mortar and pestle ilagay mo ang Papaya mo na strands na lamang, ang beans o sitaw - shempre dapat putol-putol sya, kamatis, crablets o talangka - optional - pampalasa lang, sugar, chili, patis, lime juice at bayu-bayuhin mo…
Popularity: 3% [?]