Pakisabi na lang…[ Ohh Puso Ko… A Valentine’s Special Part I ]
Katatapos lang ng Pasko at ng Bagong Taon…at heto na naman ang isa pang Holiday na itinuturing natin ang Valentines…*aray..lalo na sa mga kagaya kong single at walang ka DATE–oo wala kaya lech!*
Tandang tanda ko noon sa Pinas na sobrang big deal talaga ang okasyong to! Pag pasok na pagpasok pa lang ng Pebrero lab is in d air na talaga. *gimick sa Tagaytay habang HHWWPSSP [Holding Hands While Walking Pa Sway Sway Pa]
Ang mga boquet galing sa Esperanza’s at Holland Tulips. [Na talaga namang Bb. Pilipinas ang feeling mo pag nakatangap ka ng ganito na kung nasa Makati ka eh ang haba ng buhok mo umabot sa Paranque bumalik ng Makati nag side trip sa QC at umikot papuntang Alabang naman naman naman sa haba ng buhok o diba!]
O kung di mo naman feel yong Bb. Pilipinas eh mistulang Sto. Nino ka sa altar naman! he he he…
Isasama ko na din ang mga bars bars ng Goya at rolls ng Goldilocks, at blueberry cheesecake ng Reb Ribbon. [Ewan ko na lang kung hindi ka pa sagutin ng nililigawan mo nyan! ang lala mo na kung ganun]… At at at ang mga Motmot sila ang mas kumikita as in ober book kamo sila, ma pa Sta. Mesa, Pasig o Pasay man! [kaya kayo kung plano nyong mag Motmot agahan nyo! at ihanda na ang mga discount cards jan hehehe]
Popularity: 3% [?]
















