Okay, okay, okay… Dito sa blog sa totoo lang ha nagka-anak ako bigla kahit wiz na matris ko 48 years ago… Kung sisilipin nyo ang iba kong entry tungkol sa mga ka cheneizang Innovative Tutor , Math Tutor o Reading chenalyn malalaman nyo. Pera yon eh kaya kahit pa magkunwari akong nag ma-macarena habang natulay ng alambre sa mga susunod na opps ko eh papatulan ko pa din yon! Eh pero hindi yong magulang o parent sa Inglis ang tinutukoy dito kung di magulang as in mandarambong o mandedengdoy daw ako sabi ni Chuva!
1. EZ pass clips - Naubusan sya minsan ng clips at ang orders nya mula sa mga suki eh nagdadagsaan at wala syang mahagilap ng nasabing clips dahil pati ang contact nya eh wala din, at pati na ang contact ng contact ng contact ng contact nya wala. (sa totoo lang ha 10 cents lang yang clip na yan! Umikot na kamo ng 10 beses kaya pagdating kay Chuva eh $2.50 na no! Tapos tutubuan pa nya ng mga $5.00 LOL.)
Girl, problemado ako… Magagalit na sa akin ang mga customers ko naman kasi wala akong maisend na EZ pass clips naubusan ang contact ng contact ng contact ng contact ko!
Wala na bang ibang mabibilan non?
Sa Pep Boys! Bibili nga ako bukas para lang hindi ako masira… Bibilin ko sya kahit na abunado pa ako! Wag lang mapahiya!
Gagah! Ano yan hanap patay??? Okay bawat problema eh may solusyon, [any problem isn’t soluble given enough plastic bag. - Kung ano man ang ibig sabihin nya wag nyo akong tanungin, dahil hindi ko din alam!]
May solusyon ang problema mo! Ganito bumili ka sa PB’s! Tapos wait mo ang EZ pass clips na ipapadala sayo ng contact ng contact ng contact ng contact ng contact mo… So may resibo ka diba dahil nag Viola ka?!$)^$. Ngayon ito na ang trick makinig ka! Bumalik ka ng PB’s tapos isauli mo ang mga clip na bi-na-ola mo using clips na nakuha mo sa contact ng contact ng contact mo! Eh di WIN ka pa din!!!
Ugali kong mag shopping, kahit hindi sale bibilin ko sya wala akong paki kahit magkano pa! At pag sale na bibili ako kaparehas na kaparehas at isasauli ko sya sa lumang resibo kung saan ko sya binayaran ng buo! WAGI pa din ako!
2. Trip na trip kong nanunuod ng sine. I always get discounted tickets! Hindi po ako disable at lalong wala akong koneksyones sa loob, ang regular ticket is $9.75 at lagi akong nakakasave ng almost $3.00 o diba? Tapos hindi lang double yan kung hindi 5 pelikula po, crossover lang ako na parang daga tutal maliit lang naman ako eh ha ha ha!
Paano? Ganito lang yon. I don’t pay cash since wala ako nyan! I pay credit card sa machine at viola ako ng senior tickets! O diba, mga tamad naman yang mga usher na yan kaya hindi na nila chi-ne-check basta bigay sabay lakad ng derecho lang - kung tanungin o masisita man ako, ang paliwanag “I NOT SPEAK ENGLISH!” o kaya naman “I NOT KNOW ANYTHING ABOUT COMPUTERS!” Yon nga lang medyo dyahe to pag kasama ko ang ka-date ko! Hahhhaaa haaa haaa… - Panalo diba?
3. Sa get laid naman, daming opurtunidad shempre isusulat ko muna diba bago ko i-publish dito, at pag nasulat ko na at kukunin ko na ang opurtunidad eh wala na agad. [Ako ang nagtanim, ako ang nagbayo sabay iba makikinabang? GrrrR$@$&&*)] May trick akong natutunan, punta akong get laid kuha ang mga oportunidad sabay compose at publish sabay save ulit as a draft! Tapos pag nasa mood na ako staka ko sya susulatin, ayaw ko kasi yong nag ru-rush lagi eh! O diba PANALO pa din!
4. Nalamang kong malaki pala ang refund ng mga magasawa! Tara atih pakasal na lang tayo para malaki ang angie natin pag end of the year! WAGI!
5. Ihulog mo ako sa hagdaan ng bahay mo. Kung wala akong bali pokpukin mo ng martilyo para lang mabali tapos i-claim natin sa insurance ng balay mo! Hati tayo! WIN WIN WIN WIN!
Ngayon sabihin nyo sa akin kung magulang ako! Hindi naman diba? Wais lang ako, mana kay Lumeng…
Popularity: 4% [?]