More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Ang Lola ko

Hay nako pagod na pagod, stress na stress ang lola nyo nitong mga nakaraang araw! [Dalawa sa mga Nurse’s kong costumer kung makatawad naman! Kung sino pa ang malakas kumita yon pa ang makunat!]

Kagabi halos alas 12 ng hating-gabi na ako nakauwi.
Mula sa tarbahu, dumerecho na agad ako Ospital para dalawin ang Lola ko.
Kulang-kulang mag ala siete ng nakadating ako ng Ospital. [Umaasang tapos na ang procedure nya.]

Oo tapos nang gawin ang kanang paa, at sisimulan pa lang kaliwang paa. [Eh kelangan daw may relathieves sa letcheng waiting room ng surgery chuvalei!] Nagsimula silang maggawan ng paa ng mga bandang alas tres ng hapon. *Hindi pa man din ako nakakain ng hapunan. Gutom na gutom ako. Halos maubos na barya ko sa buset na pagkamahal-mahal ng tinda ng vending machine doon.]

Buti na lang may mga kilala akong Penoy sa Lab ng Hematology. *Nakikain ako ng dinuguan at ng adobo.* [Sabi ng isang Med.Tech pupunta daw sya muna sa Morgue para kunin yong putol na paa… Nagulantang ako… Baka kako sa Lola ko iyon… Nagbalik ang Med.Tech di daw sa Lola ko yon… Nyeta! Sana kanya na lang lol]

Pumanik na ako sa kwarto kung saan sya ilalagay. [May mga isang oras pa din ako naghintay doon. Waaahhh, buti na lang may R.N. na cute dahil kung hindi mag-aamok na talaga ako.]

Takang-taka lang ako kung bakit napaka tagal ng kanyang procedure… [Sana isinama na yong dila at bibig… Sana naisipan nilang iklian yong dila at tahiin ng mabuti yong bibig… He he he… Don’t get me wrong, I love my lola to death! As in… Gusto ko syang patayin! LOL.]

Nakita ko na Lola ko sa wakas. *Okay naman siguro ang operasyon. Nahinga pa sya eh. Groggy nga lang.* Binati ko… Nagbigay galang ako… Pero hilo eh… Sabi sya ng sabi ng heavy na animo naghihingalo sa pagbangit ng mga katagang ito habang di maipinta ang muka nya. Sana lagi syang ganito, ganito katahimik *Inasar-asar ko na nga since alam kong hindi sya makakaalma… LOLA HI… IT’S A BOY! AKIN ANG BATIK HA! [Natawa ako sa loob ko. Meron kasi syang blooper na biglang nag Flash sa utak ko… I WILL COLAPSE! Mga 2 years ago, naoperahan din sya noon sa sakit walang masabi kung di i will colapse sa Doktor.]

Malakas pa ang Lola ko. Yon nga lang hirap na maglakad. Malakas sya! Malakas pa ang bibig sa pag talak. He he he…

Popularity: 92% [?]

What happend to me yesterday.

Tapos na ang maliligayang araw ko. Balik na ulit sa tarbahu. *DABOG&%%#@%%OBLAG^%^#$@$%

Naisipan kong yayain si Doreen mag-lunch kahapon after work sa Ciudad. At shempre sya ang taya. Tutal Ritz naman sya eh. Madalas nag rereklamo na yang si Doreen kakapakain sa akin.

Kung may kanang-kamay na tinatawag… Ako siguro ang kanang pisngi… Kanang pisngi ng (pekpek) nya.

[Mga scenario namin]

Nong isang araw… Nag-ring ang phone… Bandang 9:45am

Doreen: Asan ka na? Gusto mo ba ng kape? *Aktuali araw-araw ganyan sya.*

Diwa: Sige. Salamat!

[Nasa tarbahu na]

Doreen: Eto nang kape mo! Mag-iinit ako ng pandesal gusto mo ba?

Diwa: Sige. Salamat!

Natapos nang mainit ang pandesal…

Doreen: Eto nang pandesal mo Senyora! May taga-init kapa! *Pa-taray na sabi nya.*

Diwa: Sige. Salamat! *May bisita ata sya ngayon? After 10 years dinantnan na? Ha ha ha*

Kinabukasan same scenario na naman kami.

Blahblahblahblahblah…

Doreen: Gusto mo ba ng tinapay? Magiinit kasi ako eh.

Diwa: Di bale na lang! Baka sabihin mo na-naman eh inaalipin kita! *Pa konsensyang tono.*

Doreen: Eh kasi magiinit din ako, para isang initan na lang! *Pa-taray na naman nyang sabo.*

Diwa: *Dedma… Pasok sa kanan.. Labas sa kaliwa.*

Biruin nyo. Breakfast libre. Lunch libre. Dinner libre. Yan ang buhay namin ni Doreen. Kaya pag na-ngayayat ako, ibig sabihin non eh war kami ni Doreen.

Matagal nang pinipilit ni Chuva na besfrens daw kami nyang si Doreen. Ako naman panay hindi noh! Kasi kung besfrens kami, eh di sana alam nya mga pinag-GAGA-gawa ko?

Pero naisip-isip ko hmmm… Oo besfrens nga kami.

Ang sikret…

Doreen: May pwet na ba ako sa suot ko?

Diwa: Naman! Tinatanong pa ba yon? Bootylicius ka no! *Tulo laway habang nakatingin sa kanya… Na naikot pa ang mata na kala mo na u-ulol.*

Doreen: Muganda ba ko?

Diwa: Ganda mo! Muhal kita! Kain tayo!

Habang nakain kami pinaalala ni Doreen na mulapit na kaarawan ko. Sa Disyembre. *(^%^&#$%@$%*

Doreen: Saan tayo sa buday mo?

Diwa: Ewan ko. Wa ako angielu! Sa balay lang ako magmumokmok. *Pa-awa kong sabi sa kanya.* Sana pala sa Penang na lang tayo kumain ngayon. Sawa na ako sa Pho eh. *Pa reklamo kong sabi.*

Doreen: Labas tayo! Libre kita sa Penang. *Na-awang sabi nya.*

Diwa: TALAGA? I Lab U! Pwede magsama? Isa lang naman sasama ko eh. *Eksayted*

Doreen: Di ka makapal! Ipapakilala mo na sa akin Kasintahan mo?

Diwa: *Dedma lang ako sa tanong na kasintahan.* Ganda ng suot mo ngayon. Blue-ming ka. Mukang magka sing edad lang tayo! Isa lang sasama ko! Isang dosena! *Natatawang sabi ko sa kanya.*

Natapos na kaming kumain… Naghiwalay na kami ng landas… Lumakad sya ng kanya… Lumakad ako ng akin. *Alangan naman isama ko sya sa mga pag-GAGA-gawin ko?*

Noong kasi ang gawain ko bago ako ma hook sa photography, eh nag gra-graffiti ako! *Alangan naman isama ko sya jan? Sa bagal nyang tumakbo no! Baka sya pa ang dahilan para ma Julie Vega kami.*

Naranasan ko na ding madakip ng pulis sa gawaing kong yan. Pero since may charm ako. Hindi pa naman ako nakukulong. Ang chika ko sa lespu eh… * Am just a confused art student.* And it works! [Di ko kayo hinihimok gawin yan okay!]

Masakit pa ang mga hita at mga binti ko… Pero since mainit nasa 50’s F something kaya ang panahon kahapon! Sinamatala ko ang panahon. Naisip ko baka nasa labas sila ngayon. Yong mga kagaya ni Barry.

Di naman ako nabigo. Nakakita ako ng isa. *Nyeta bawat lakad ko, isa-isa lang nakukuhaan ko ngarl!*

Ang style nag-pa-charming ako [Inilabas ang isang kahang sigarilyo, nagsindi ako. Hinit-hit ko na anino sarap na sarap ako sa ginagawa ko na kala mo eh 10 years akong hindi naka sigarilo!]

Di talaga ako naninigarilyo. Di ako marunong. Hit-hit buga lang ako. Pa-sosyal kasi ako eh. *Sabi nga sa akin ng isang kaibigan… Sinasayang mo lang pera mo! Hit-hit buga ka naman eh.* Kala ko kasi hit-hit lang sabay lalabas mo din usok. Di pala ganun. kelangan daw ipasok sya sa baga? Yon ang di ko matutunan! *Eh isaksak ko na lang kaya sa baga ko ang sigarilyo?*

Staka ko na i-post ang pix ni John dito. Mag-iipon muna ako. At Kwento ko din kung paano kami nagkakilala ni Doreen. Okay.

Lumabas ako kagabi… Nagliwaliw… Lumaklak sa club… Courtesy of Chuva. [Pansin nyo? Buhay ako sa Liberty?] Ang formula lagi kong dala.

Crush ko si Ms. Faye noon pa man. Muganda sya. Seksi. Malaki boobay. *Nahawakan ko nga kagabi eh. Pero nahihiya ako. Desente kasi ako! Sana nilaponga ko! SAYANG! Sabay snap ng fingers.*

Kaibigan sya ng kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ko. *Sa makatuwid madalas ko syang makita sa mga inuman at kung anik-anik na chuvalei na sosyalan.*

May pagka teaser sya, inaakit nya ako, sinayawan nya ako na kala mo eh lap-dancer. Pero di ako nagpa-apekto. *Sabi ko sa kanya tama na… Am having a hard-on!* Sa tagalog tinitigasan na ako… O, wag kayong mag-isip ng masama! Tinitigasan na ako ng kamao at baka masuntok ko na sya.

Diwa: Muganda si Faye no?

Chuva: Naman! Palaman!

Diwa: Pwede kaya syang modello? *Muganda kasi mag dala ng damit si Faye at laging postura!*
Make up at buhok laging ayos. Yan ang gusto ko sa babae di loshyang!

Chuva: Oo Tanungin mo! Okay yan sa black and white.

Sabay…

Diwa: Hi Faye! How are you? *Sabay beso sa lips ha ha ha…*

Faye: Hi! How you?

Diwa: Good! I was wonderin’ if you would like to model for me?

Faye: Sure! Actually, I was looking for a photographer! *Hindi sya nag sekantots*

Diwa: For what?

Faye: For my porfolio!

Diwa: Okay. Then hire me! *Kinuha ang number ni Faye at viola!*

O diba mag-gamitan kami! Pero ang tanong ko sa sarili ko… Pumayag kaya sya na gawin ang mga pa-GAGA-wa ko? Ang itulak sya sa hagdan at kunan ang reaksyon nya sa pagka-hulog nya? *Ha ha ha ha ha… [Malakas na halakhak]

May mga nagsasabi sa akin na bakit hindi ako mag litrato ng mga babaeng nakahubad? Hmm bakit nga ba? Masasabi ko lang dito. Eh takot ako. Baka kung ano pa ang mangyare… Alam nyo naman ang relasyon ng modello sa o sige na nga artits, diba? Eh disente ako noh!

Wala naman sigurong masama diba? Sa tanda kong to… Inurungan na ako’t lahat-lahat… Wala na akong nararamdamang (&%^%#$#@#%^&.

Baka nga sign na yan ng aking bagong tema… Si Faye… Abangan…

Popularity: 93% [?]

Ang mga pangarap ko unti-unting…

Nawasak!!!
Hinding-hindi ko makakalimutan ang petsang Ika 6 ng Marso, bandang alas 11 ng gabi ng madiskubre kong kinansela na ang aking adcents akawnt! *Pinapahidan ang luha na namumuo sa gilid ng aking mga mata*
Ang saya saya ko pa man din kahapon. Dahil nakapagsimula na ang bago kong blog na Methelioma Info. At nagbabalak pa nga akong magdagdag ng mga hmm 10 pang mga blog! Lahat aankinin ko… Meron na akong Loans et al… May Mesothelioma na ako… Plano ko kagabi gumawa pa ng ibang blog DUI chenalyn et al… Anti-Aging chenalyn et al… Basta lahat ng reach chenalyn words gagawan ko ng blog.
Nang mag log ako sa akawnt ko may mensahe… Tila tinabla na daw ang aking akawnt… *Nanlalake ang mga mata habang binabasa ang mensahe at ang email ng googal*… Unti-unti akong nalombay… Ang dating diwata na may buhay ay tila parang namatayan. [Naman kasi pera na naging bato pa! Ayaw ko ng bato hindi ako si Ding!] *Magulang din ang googal porket nadiskubre ko na ang reach chenalyn words ganun na lang ang ginawa nilang pananabla sa akin… Eh ang taas-taas ng rating ko noh!*
Nagsumbong agad ako sa isang blogger… At ang blogger na ito tinawagan at iki-nunference ang isa pang blogger… *Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ng mga kapwang blogger. Dahil under invetigayshun ito ngayon malamang at baka mamaya pati sila eh sinusuyod na din ng mga lintak na empleyado ng googal!*
Ikinuwento ko lang ang nangyare sa akin para pati sila makapag-ingat… Humingi ako ng payo kung anong apila ang gagawin ko… *Ang masasabi ko lang leche nila kinansel nila? I ain’t bovard!***Hagis stuff toys sa harap ng tv…kinuha ang beer…tinunga na parang tubig…[Gulp…gulp…gulp…] Lumabas ng pinto ng kwarto sabay inihagis…[Blag… BLAG… Blag] Pumsok ulit ng kwarto na pahagis ulit ng pinto [Blag… BLAG… Blag] Wala naman akong gagawin pala sa labas… Trip ko lang ihagis yong pinto… HINDI AKO APEKTADO!!! HINDE!!! HINDE!!! HINDE!!!
Sayang lang… Ang mga pinagpuyatan ko… Napunta sa wala… Ako ang nag tanim, ako ang nag bayo sa huli wala din. Pangarap ko pa naman bumili ng bagong La Germaniang Notebook, gamit ang perang kikitain dito… Haayy… *Malakas ng buntong hininga* At kung swe-sweretihin eh bibili na din ako ng CONDO sa Center City!!!! *Nakapamewang habang nagsasalitype*
Pero mabuti na din yon… Makakatulog na ako ng maaga ngayon… *Wala nang dahilan para magpakapuyat-puyat ako* Hindi na ako magmumukang bangkay… Na tipong isang bulate na lang ang di pumipirma sa kakapuyat dahil 2 oras lang ang naitulog ko sa lecheng blogditis kong sakit… Wala na akong excuse na busy ako… Masasagot ko na ang lahat ng phone calls ko… Makakapag craigslist na ulit ako *Woot-woot*… Maasikaso ko na ng mabuti ang negosyo ko. Makaka reply na ako sa mga msgs sa yahoo personals ko… Makakatambay na ulit ako sa Barnes and Noble at magantay ng hada maghapon… Goodbye blog! *Pahid luha… Pahid sipon…[Singa… Singaa… Achoo…] **POOF**
Kung makikita nyo doon>>>>>>>> Oo yoon>>>>> Hindi ko pa din tinatangal dahil gusto kong gunitain ang sakit na nangyare sa akin kagabi. *Buhuhuhuhuh*

Popularity: 3% [?]

Ugly…

Taller in more ways…

Popularity: 6% [?]

Chika Connek Update

Di ko na talaga matiis ang panga-ngati ko… Madali kong tinawagan si Dra. Belen at nagpa singit ako ng appointment kanina. *Matagal pa ang pinag-antay ko sa naturang Doktor kesa sa pagtingin nya sa akin*

*Ehem-eherm….*

Diwa: Doc may malaki po akong problema, sana poy akoy matulungan ninyo. May mga kati-kati po ako sa kadahilanang nagaalaga po ako ng aso ngayon eh tila po yata allergic ako sa pets. Gusto ko po sanang mag-pa-subscribe ng gamot sa inyo kung maari lang ho ng maibsan ang aking pangangati…

Doc: Hindi ako bilihan ng magasine iha… Baka ang ibig mong sabihin eh prescribe? Yon nga ba ang gusto mong mangyari? Walang problema. Iha mag hubad ka nga, ng makita ko ang mga rashes mo…

Diwa: *Walanghiyang Doktor to, pinahiya pa ako arggghhh!!!!!!! Pareho lang naman yon may cribe naman din sa huli kanines* [Habang ginagawa nya na ang mga test sa akin]

Doc: Iha hinga ng malalim… Inhale… [Aba 5 mins na akong naka inhale di pa din nagpapa exhale ah pinapatay ata ako nitong Doktor na no!!!] Ok exhale… Normal naman ang paghinga mo…

Diwa: Ahhh ganun po ba?

Doc: Wala akong nakikitang problema sayo… Di ka din allergic sa aso… Dahil kung may allergies ka sa aso eh tipong mahihirapan kang huminga! Na tipong nag a-asthma ka. *Madiing sabi ng Doktor*

Diwa: Eh bakit po ako nagkakaroon ng mga rashes?

Doc: 2 ang hula ko.

Una madumi ang dugo mo kaya ka galisin.

Pangalawa ang asong inaalagaan mo ei mayroong kuto…

Diwa: *Punyetang Doktor to… Pigilan nyo ako… Baka hindi ako makapagpigil dito at… Ahhh pasalamat kang Doktor ka at maganda ka!!!! Nilalait-lait ako nyeta! Galisin daw??? Sana naman sensitive skin nasa Amerika na tayo eh!*

Doc: Advice ko sayo Diwa, get rid of that dog!!!! Now!!!!

Diwa: *Aba utusan ba daw ako?* Ah eh ah kasi ho di pwede kasi sa biernes pa babalik ang mga magulang nyan…

Doc: Ikaw ang bahala sinasabi ko lang sayo…

Popularity: 3% [?]

Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

RECENTPOSTS

RECENTCOMMENTS

MOSTCOMMENTS


www.e-referrer.com



MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers