Dear Diwa,
There is a reason for everything, good or bad, happy or sad, that comes into our lives. God allows all of these things to happen because he loves us even if we sometimes do not understand his ways.
Let go Diwa. Tama na… Hindi sya nararapat sayo…
*mukang kailangan mo ng isang matinding hambalos sa pader ah!*
Kung ayaw nya eh di, diwag!
Binigyan mo na sya ng ilang pagkakataon tama na yon. Ikaw ang prize dito, hindi siya. Ihinto mo na ang mga kabaliwang pinag-GAGA-gawa mo!
Alam mo ba yong kasabihang…
There’s a lot fishes in the sea? Oo. Maraming isda sa karagatan. May Sapsap, Talakitok, Bangus, Dalagang Bukid…, and the list goes on….
Hindi lang iisa ang klase ng isda… Sana alam mo yon! [eh tila yata nang-ngingisda ka sa ilog pasig tapos ang gusto mong mahuli eh Koi?, tama ba duda ko?… O kaya naman nasa tubig dagat ka tapos ang gusto mong hulihin eh hito?, tama ba ulit ang hula ko?].. May kutob ako iisang isda lang ang alam mo eh…
Sana naman ma figure out mo na… *madami ka na sigurong idea ngayon kung ano ang gagawin mo?*
Eh kung hindi ka makahuli baka naman may diprinsya ang fishing rod mo? Marunong ka bang sumised?????
Tandaan mo malawak ang karagatan!
Huwag mong sayangin ang panahon mo. [naway wag ka sanang magagalit sa akin, nagsasabi lang ako ng totoo. At sana nakatulong ako sayo, kahit na gusto kong bambuhin ang matigas mong ulo! Magising ka na sa katotohanan!!!!]…
….Overdue na yang kahibangan mo! Tama na..
At nabasa ko din sa liham mo na kinunsulta mo sila Madam Rosa, Diwa, Lady Dayna, Rose Lim at panghuli ako??? Tama ba ako???
Diwatangbyaning, hindi mo kami kailangan…, Walang ibang makakatulong sayo kundi……
…….Isang Life Coach!!! Yan ang kailangan mo!
Umaasa na sana hindi ka na muling sumulat ulit,
Joe
Popularity: 4% [?]