48 years after?
Sa wakas dumating na din noong isang araw ang inaantabayanang kong balikbayan box! After 48 long years! From Amerika pumunta sa Antartica, tapos pumunta sa China tapos bumalik sa America? Tapos muntik pa mapirata sa Somalia on the way ditech sa Pinas? (O diva ako na ngayon ang nagaantay ng balikbayan box?) Ah basta ang importante anditrax na sya! (Hmmm may 2 linggo din akong nagantay dito sa bahay ha! Paano ba naman kasi sabi sa opisina nila sa Taguig on the way na, 2 weeks ago iyon, so ayon nagantay talaga ako. Baka kasi abutin na naman ng syam-syam kapag na-miss ko leche!!!)
Excited akong buksan sya dahil makakain ko na mga gusto ko sa murang halaga! *Kung di pa panis ang mga food sa loob ng nasabing kahon, or else panis o kahon ang kalalabasan ng dramah ko!* Ang mahal kaya ng mga gusto kong food ditech sa Pinas noh! (Iba pa ang lasa, ewan ko ba!) Pag ka bukas ng kahon… *Tantantinin!* (Na pa syet ako… Ang bango, amoy Amerika ang loob ng kahon.) Ewan ko ba bakit sa America hindi ko naaamoy yang amoy na yan! *Kamot-ulo, at takang-taka pa din talaga.* Aktually nag experiment ako noon. Ti-na-try kong dalhin yong ibang gamit from Pinas to Amerika, hulaan nyo kung anong amoy at may gift pa kamong kasama! Bwahahah, sirit na? Amoy burak footah bwahahaha at may napasama pang daga as in kung paano sya nabuhay sa loob ng box eh wala akong idea! As in MA at PA.
Anyways inimbitahan ko ang aking pinopormahang bebot sa aking pad. (Taray as in pad?) Chenalyn boom boom may mga susunod akong kwento tungkol sa 2 linggo kong stay sa bahay at sa pad na ito — talaga namang nakakalowka! Abangan!!! So mabalik tayo sa bebot na pinopormahan ko, inimbita ko oo yong babaeng health freak! (Nag date nga kami noong isang araw sa Tai chi at Yoga — ano daw? OO, tama ang nababasa nyo! Kala ko yakang-yaka ko syet halos magkanda-utot ako sa hirap.) Inimbitahan ko para mag dinner dito sa bahay kagabi. Syempre nagmaganda ako, para bang ang gusto ko iparating sa kanya na, kapag ako ang napili mo sa mga masugid na pomoporma sayo bwahaha as in may ganung factor dramah??? *HAHAHAHA!!!* Hindi ka gugutumin, ngak.
Eto ang prueba!
Popularity: 45% [?]
















