I heart you!
Happy valentines day y’all! I been single recently, like 2 weeks ago? Pero ang lola nyo is in love na ulit! O diba, I found someone just before valentines day. Ako papahuli? Nevah!
Here’s to you, Sriracha my heart and the words I heart you. *Syet, sweet pala ako?*
I’ve known Sriracha for years already, but just noticed her lately as in, saan-saan ako nakatingin susmeryosep anjan lang pala ang hinahanap ko… I never thought I could be this happy again, with her. Sobra!
Noong isang araw nga tinawagan nya ako, kahit matindi ang snow, talaga namang pinuntahan ko pa din sya. Mag-bonding daw kami. Ayun masaya naman… Ang sweet-sweet nya ever. Nag bonding kami sa snow, ako daw ang magpala ng buong parking spot nya at sya naman daw ang maglalagay ng asin.
Ang isang kina-in-laban ko sa kanya, eh mapagkawang gawa sya. Madalas nga humiram ng pera yon sa akin, kasi may sakit yong kapatid nya, nanay nya at tatay daw nya. Minsan nakakapagtaka, kasi madalas may sakit ang pamilya nya, halos ata lingo-lingo may sakit sila? Pati nga anak ng kapit bahay nya nagkasakit, ayon sa akin din inutang ang pambili ng gamot.
Hindi sya nanghingi ng pang load sa akin ever, pero madalas nauubos ang load ko pag kasama ko sya. [Potanginang yon, kumukupit ata ng load sa akin at pinapasa load sa celpown nya.] Minsan naiisip ko sa sarili ko, hindi kaya ginagamit nya lang ako? Kasi minsan madalas nawawalan ako ng pera sa pitaka ko. Pero siguro hindi naman, burara lang siguro ako, baka na mis-place ko lang…
Popularity: 22% [?]























