Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit hanggang ngayon eh andito pa din ako sa Pinas…

Ayan ang vicinity ng aking BaranGAY na tinutuluyan. Marangal naman diba?

Madalas ang tambayan ko ay itong balkonaheng ito… Dito ako nagmumuni-muni, nag-iinom, nag-yoyosi, natawa at naiyak… Kulang na lang dito ako tumira sa balkonaheng ito *Ay sinabi mo!* Yessa kulang na lang dito ako magbihis, maligo at matulog!!! Kaya dapat ang renta kalahati na lang tutal andito ako lagi sa balkonaheng ito.
Dito sa balkonaheng ito nagbunga ang isang pagkakaibigan kalandian/pag-ibig na di ko inaasahan… Dahil kapit building ko sya as in kalsada ang aming pagitan syet hindi pader! Nak ng pucha.
<<<REWIND<<<

Dito ko sya unang nasilayan sa bintanang iyan *Turo pa-nguso* (Di ko na ituturo kung saan mismo, baka i-stalkin nyo pa!!!)
Nagiinom ako ng mga kasalukuyang iyon… *Gulp-gulp-gulps/Hit-hit-hit=buga* Ng biglang may babaeng nagbukas ng ilaw, naghubad sabay nag treadmill *Syet may fetish sya???* Nag-e-exercise habang walang saplot? Nanlake ang mga mata ko. Kinilabutan ako (Di ako sanay sa mga ganyan! Ekkkkk my virgin eyes) *Sabay takip sa mga mata pero kita ko pa din sya ahihihihih.* Hindi ako umalis tila ba inaabangan ko susunod nyang gagawin *Bwehehehehe… Tsismosa eh!*
Minsan isang umaga nagkape ako sa balkonahe at andoon din sya sa bintana kumaway. Eh di kinawayan ko rin. *Hindi naman ako suplada in person no!*
Basta may routine sya sa hapon… Maghuhubad sabay mag treadmill at kung anik-anik pang posisyon *Pang exercise ha! Ganda ng pangangatawan syet define na define stalap pisil-pisilin at lapirutin.* Sa umaga naman kagaya ko nagkakape naman by her window. O diba hanggang nasanay na sya na nakikita ako sa kanyang bintana.
>>>FAST FORWARD>>>
Nag-invest ang inyong lingkod sa kartolina at pentel pens! Dahil alam ko ito lang ang paraan para makausap at makilala ko sya. At di naman ako nabigo sa aking mga plano. Naging consistent ang paguusap namin through my balkonahe at sa kanyang bintana. At talagang ito ang ini-look-forward ko sa twina! Ay talaga naman haharurot ako ng takbo magkauwi lang ng maaga at madatnan sya sa bintana nya para kahit saglit no may inter-action figure kami. *Para akong nabalik sa aking pagiging teenager syet! Kilig to the bones.*
May kulang-kulang na isang buwan na kaming ganito bintana/balkonahe mates. *Yessa, may bintana/balkonahe mates! It exist noh! Syet txt mates nga nag exist sa amin pa?* Ng mapagpasiyahan namin mag meet sa baba ng kanyang building sa may Pan de Manila o diba alam nyo yon? *Mahal nga ng pandesal diyan eh, isang piraso 25 pesos syet!* Iba na kasi ang silakbong nararamdaman ko sa kanya… Basta, yon nga lagi ko syang gusto makita at makausap kahit man lang sa pamamagitan ng kartolina at pentel pens syet ang lala diba? Di lang crush, mahal ko na ata sya — sya kaya ganun din??? So ayun nga, napagpasiyahan namin 2 *Alangan naman ako lang may gusto non? Mga gagu!* Na mag meet na, ng malaman na namin kung ano ba talaga ang lagay? *Hahahah sa part na yan hmmm baka ako lang ang nagiilusyon at nangangarap…*
So sabi ko naka pants ako at black shirt at sya naman daw naka dress na green… Nasa malayo pa lang ako nasilayan ko na sya ang back at side view nya… *Kabado ako at pinagpapawisan pa.* Ganda ng buhok nya mabaha at maypagka wavy syet parang ang bango-bango nya at ng hair nya talaga - parang amoy sun slik lol… *Dyahe nga eh, kasi na-late pa ako. Bwahahaha aktuali sadya ko yon - para sabihin sa kanya na di ako basta-basta hahahaha.*
SECRET REVELATION: Through kartolina and pentel — Mahal na ata kita! Inibig kita sa tingin ko!
Me: Hi, finally! Nice to meet you. Am DB to the WA. I live across your building. *Uminglish na ang ka-Ovarrio kasi mukang inglisera at shala-shalahan si Maila.
Maila: Hi *Giggles*
Me: *Sa isip ko lang…* Parang may mali ata… Hmmm bakit ganun? Bakit ganito??? *Kamot-ulo.* May tanong sa aking isip…
(more…)
Popularity: 44% [?]