More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Archive: Issues

Ang babae sa bintana…

Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit hanggang ngayon eh andito pa din ako sa Pinas…

img_0335.JPG

Ayan ang vicinity ng aking BaranGAY na tinutuluyan. Marangal naman diba?

img_0336.JPG

Madalas ang tambayan ko ay itong balkonaheng ito… Dito ako nagmumuni-muni, nag-iinom, nag-yoyosi, natawa at naiyak… Kulang na lang dito ako tumira sa balkonaheng ito *Ay sinabi mo!* Yessa kulang na lang dito ako magbihis, maligo at matulog!!! Kaya dapat ang renta kalahati na lang tutal andito ako lagi sa balkonaheng ito.

Dito sa balkonaheng ito nagbunga ang isang pagkakaibigan kalandian/pag-ibig na di ko inaasahan… Dahil kapit building ko sya as in kalsada ang aming pagitan syet hindi pader! Nak ng pucha.

<<<REWIND<<<

img_0337.JPG

Dito ko sya unang nasilayan sa bintanang iyan *Turo pa-nguso* (Di ko na ituturo kung saan mismo, baka i-stalkin nyo pa!!!)

Nagiinom ako ng mga kasalukuyang iyon… *Gulp-gulp-gulps/Hit-hit-hit=buga* Ng biglang may babaeng nagbukas ng ilaw, naghubad sabay nag treadmill *Syet may fetish sya???* Nag-e-exercise habang walang saplot? Nanlake ang mga mata ko. Kinilabutan ako (Di ako sanay sa mga ganyan! Ekkkkk my virgin eyes) *Sabay takip sa mga mata pero kita ko pa din sya ahihihihih.* Hindi ako umalis tila ba inaabangan ko susunod nyang gagawin *Bwehehehehe… Tsismosa eh!*

Minsan isang umaga nagkape ako sa balkonahe at andoon din sya sa bintana kumaway. Eh di kinawayan ko rin. *Hindi naman ako suplada in person no!*

Basta may routine sya sa hapon… Maghuhubad sabay mag treadmill at kung anik-anik pang posisyon *Pang exercise ha! Ganda ng pangangatawan syet define na define stalap pisil-pisilin at lapirutin.* Sa umaga naman kagaya ko nagkakape naman by her window. O diba hanggang nasanay na sya na nakikita ako sa kanyang bintana.

>>>FAST FORWARD>>>

Nag-invest ang inyong lingkod sa kartolina at pentel pens! Dahil alam ko ito lang ang paraan para makausap at makilala ko sya. At di naman ako nabigo sa aking mga plano. Naging consistent ang paguusap namin through my balkonahe at sa kanyang bintana. At talagang ito ang ini-look-forward ko sa twina! Ay talaga naman haharurot ako ng takbo magkauwi lang ng maaga at madatnan sya sa bintana nya para kahit saglit no may inter-action figure kami. *Para akong nabalik sa aking pagiging teenager syet! Kilig to the bones.*

May kulang-kulang na isang buwan na kaming ganito bintana/balkonahe mates. *Yessa, may bintana/balkonahe mates! It exist noh! Syet txt mates nga nag exist sa amin pa?* Ng mapagpasiyahan namin mag meet sa baba ng kanyang building sa may Pan de Manila o diba alam nyo yon? *Mahal nga ng pandesal diyan eh, isang piraso 25 pesos syet!* Iba na kasi ang silakbong nararamdaman ko sa kanya… Basta, yon nga lagi ko syang gusto makita at makausap kahit man lang sa pamamagitan ng kartolina at pentel pens syet ang lala diba? Di lang crush, mahal ko na ata sya — sya kaya ganun din??? So ayun nga, napagpasiyahan namin 2 *Alangan naman ako lang may gusto non? Mga gagu!* Na mag meet na, ng malaman na namin kung ano ba talaga ang lagay? *Hahahah sa part na yan hmmm baka ako lang ang nagiilusyon at nangangarap…*

So sabi ko naka pants ako at black shirt at sya naman daw naka dress na green… Nasa malayo pa lang ako nasilayan ko na sya ang back at side view nya… *Kabado ako at pinagpapawisan pa.* Ganda ng buhok nya mabaha at maypagka wavy syet parang ang bango-bango nya at ng hair nya talaga – parang amoy sun slik lol… *Dyahe nga eh, kasi na-late pa ako. Bwahahaha aktuali sadya ko yon – para sabihin sa kanya na di ako basta-basta hahahaha.*

SECRET REVELATION: Through kartolina and pentel — Mahal na ata kita! Inibig kita sa tingin ko!

Me: Hi, finally! Nice to meet you. Am DB to the WA. I live across your building. *Uminglish na ang ka-Ovarrio kasi mukang inglisera at shala-shalahan si Maila.

Maila: Hi *Giggles*

Me: *Sa isip ko lang…* Parang may mali ata… Hmmm bakit ganun? Bakit ganito??? *Kamot-ulo.* May tanong sa aking isip…

(more…)

Kaya ko to!

As in KTYT (Keep Telling Yourself That!!!) Hahahaha…

photo-22.jpg

Hahaha natatawa ako sa pektur na to *Dyslexic ampootah* baligtad ang S? lol *Kamot-ulo* (On a shout out mode) Diiiinnggg ang bato BILIS! Anyways pansinin ang dibdib ni diwata? Anong napansin nyo? Para bang dibdib ng matipunong majic? Bwahahahah! (Kung may ibang nakapansin non bukod sa akin, bigyan ko kayo ng lobo at bebelgum!) Wapak!

Moments like this I really want to be super… Super sexy, super ganda, super witty, super gorgeous, super bait – master bait it is!!! (Lol) super star? Ekkkkk…

(more…)

I am so productive!

img_0066_2.JPG

Hahahah!!! I’ve been sitting all day in my bed trying to do my resume — punyeta ubos ang buong maghapon ni pangalan ko di ko maisulat sa lecheng resume na yan! Heheheh, aktually this is my second resume hah! Ito yong resume ko para sa isa kong talent at kakaibang skills and experienceses o diba! *Nakain ng apoy, natulay sa sinulid, nalunok ng blade, nakain ng buhay na karme — aba ewan ko na lang kung di ka magka salmonella ng todo niyan! Etc, etc, etc!*

Ng fi-fill up-an ko na ang number of years ko sa aking nakaraang showcase pangkabuhayan aka hanap-patay OMG as in Oo May Ganun! Konting panahon na lang pala makukuha ko na ang aking pabuyang Pop Swatch na relos in canvas in shinning rainbow color! Oo 1/4 ng buhay mo binigay mo ang bigay sayo ganun! Ni hindi mo masasanla kasi walang gold plated on the side hehehe abunado ka pa sa tubog! *As in pag sinunog mo di mangangamoy tinga kasi walang tinga na ginamit Swiss made pa naman daw lol.* Ni si manong nabili ng lumang / sirang alahas lumang barya di nya tatangapin yon kasi canvas syyyyyyeeet!

Goodluck sa pag fill up ng application forms at resume sa akin…

Isa sa mga tanong kanina sa aking contest na sinalihan – Life is a great teacher. What are the important lessons have you learned so far from living??? Yong totoo? As in totoo? Hmmm hmmmm hmmm *Pa smile-smile pa, pakita ang dimple.* Fini-feel ko si Paolo Bediones ang nag iinterview sa akin kanina at isa ako sa Bb. Pilipinas contestant Nepa Q Mart version nga lang lol. Starts to stutter~~~ I, I, iiii… I learned thha that LIFE is hard parang BATO! Hahaha… Well simple, Life brings you different colors — Para syang color wheel – bukas di mo alam color blue pala, tapos konting masagi mapupunta sa red, at pag nagalaw na naman ang color wheel naten pwedeng asa puti ka naman… [O diva, parang flag ng Pilipinas kulang na lang ang dancing stars!] In short inday, walang kasiguraduhan buhay! Kaya live LIFE ka na lang! Dibanetch?

As for me – time to do my less than 10 minute meals – ikakain ko na lang to – since I am already hungerfool at am starting to eat with my emotions again hehehe.. Bablich~~~~

Q and A: Tanungin mo ako, sasagutin ko!

*Waves at the people~~~ My name is Diwatang Byaning and I am from the Land of Lust, Sodom and Gumuho.* Shout out!

Maghapon akong nagsasaliksik, *Naks Tangalog na Tangalog ba?* malapit na akong maging dalubhasa sa aking pana. Leche!

Dami kong binabasang – Question and Answers (As in Answers talaga?) O diba ang diwata kinakareer ang mga possible Q and A sa ng mga possibleng itatanong sa akin ang isang interviewer sa isang beauty pageant ekkkkkkk…

I swear I haven’t done this for a verrrrrryyyyyy as in very very very very very long time [Ang lala diba? Ganun sya ka long time...] Ikaw ba naman ang humamig ng monie$ from the trustfund$ at welfare check$ sa buong buhay mo, kailangan mo ba mag tarbaho? Nevah! Hehehe… *Nababaliw ako, sa totoo lang.* Nagiisip sa mga possible itatanong sa akin – eh paano kung di ko alam sagutin eh di lost na ang karir ko?Asin sawi?

Paano kung tanungin ako sa Math? Paano kung pag computin ako ng anik anik na variables at ka-lechehang constants? Pano kung pa-spell sa akin ang Fushia o Mississippi? Punyeta pag spell nga ng Philippines minsan nagkakamali ako – bwahahaha nag double ang L at single P sya minsan? *Dyslexic ba?* Hmmm on a sekantot pwede kong gamitin to as a strength and weakness ko ah. Bwahahaha… Weakness ko sya – pero naging strength sya kasi inalam ko kung paano mag solve ng variables at alamin ang spelling ng aneklava sa pamamagitan ng gogol! O diva ang tarush? Lol.

I was never a pro at this… I haven’t changed my job (Bread and Butter uh-huh! Kuno.) in the past 10 as in oo TEN years pootah! *Iba syempre yong part-time gigs ko. Pero kahit part-time ko nagtatagal din ako, ano ba? Ano bang meron sa akin? Ganun ba ako ka-SATISFIED? Ganun ba ako ka-LIKE ng mga amo ko? Lol.* Ngayon lang… Kung kelan ako nagkabuhok ngayon pa lang ako magpapalit ng tarbaho lol. It’s just scary… Specially if it’s something you haven’t done in a while. *Aminin! Hmmmpt.* Today I felt like a baby – as in sangol na parang natututo pa lang mag gumapang gamit ang mga paa nya at kamay nya… *Ang lalim ata – syet saan ito nangaling? Aber?* And of course intercourse  eventually the baby will walk by itself and stand on it’s own feet — darating tayo jan. That I know… (Pwede ko na kaya tong isagot sa aking Strengths at Weaknessesss na Q and A? Ano sa tingin mo? Dahil from Negative kuno naging Positive sya? Bwahaha…) Panalo kaya? Hehehe…

I wish myself luck on this journey… Job haunting ba tawag dito? *Kamot-ulo.* Bwahaha di ko alam eh – ngayon pa lang ako nag explore sa aspect na ito. Thehehehe…

(more…)

DEADMA…

WALA AKONG PAKI…

img_0135.JPG

WALA AKONG PAKI…

img_0136.JPG

WALA PA DIN AKONG PAKI…

img_0137.JPG

DEADMA IN SHORT… BWAHAHAHA, BEEN HERE IN MANILA FOR ALMOST 2 MONTHS NOW…

Working as a call girl,

(more…)

Tell it to my heart [DUI]

tellittomyheart-copy.jpg

Dear Diwata,

First of all, let me greet you and your 5 readers a happy new year! Consider me as one of your 5 readers. I love reading your stories and inspiring advises of wisdom.

My dilemma is whenever I drink and get drunk I call my ex. It’s like a habit forming and it seems like I am enjoying this new addiction and at the same time I so feel low. What should I do? I want my ex back so bad. It’s like getting drunk now is my only way or excuse I have just to hear the other persons voice.

I hope you can read this letter before January 10, our supposed 7th monthsary. And lastly, can you please play NEED YOU NOW by Lady Antebellum for me. Thank you and looking forward for your urgent response. Please help me clear my mind.

Thank you in advance for taking time to read my story.
Cheverlyn

(more…)

Don’t say bad words!

PUNYETA!!!

Bakit naman walang nag-warning sa akin na para palang tubig pala ang pera dito??? *Taken from Ate Vi’s dialogue in Anak.

Need travel tips? Dito ka na! Ika nga ni Tita Mega Shawie *Talagang trip kita, sakay na!*

Dami kong natutuhan sa bakasyon na ito, isa na dito ang…

MMNMKM – Hehehe for short ito ang ibig sabihin nyan Mahiyaing Makapal Na Manggagantso Kung Makakalusot! Leche flanggggganita madaming ganito sa Pinas kaya mag-ingat lang po mga kapwa turista – sumbong natin sila kay ‘Tulfo’!

Eksampol 1. I-tinoro kami ng tricycle driver ng half-day somewhere in Northern Luzon it’s a stop and go, stop and go, stop and go cheverlyn. Kasi nga pinasyalan namin lahat ng cave doon punyeta pare-parehas lang naman, although ka-enjoy naman, pero kung sasamantalahin ka di yan ka-enjoy ha! Tanungin nyo kung magkano ang damage sa tricycle on that stop and go x 10 lol charing mga 5 lang ata at half-day toro lang yan.

Tumataginting na 1,000 pesoses. (Taga diba? Sobra!) Hahahaha muntik na akong himatayin sa gulat sa laki ng damage ha. Taga kung taga! Anong kala nya sa akin walking US$? Porket alam nya na taga U$ ka, ganun? (FYI, di ko ni-re-release yang FAQ na yan. Hahaha di ko ipapahamak ang sarili ko ng ganun ha. It happened na pinsan nya sa kuko ang isa sa mga kakilala ko dito sa Ovarrio.)

Ang may sala sya din ang salarin!

img_0288.JPG

Tandaan ang plakang itechi agbayani kung ayaw mataga at maging victim! *Ouch!!!*

img_0289.JPG

Customer: Magkano po?

Driver: Ahhhh *Kamot-ulo* ahihihih…

Customer: Magkano nga ulit?

Driver: Ahhhhhiiiii (May kasamang hiya… With a smile ng aso.)

Customer: Magkano nga? Di ko kasi alam ang takbuhan dito…

Driver: Ahhhh… Hehehe… (May kasamang smile ~~~ at hanggang tengga sya!)

Customer: Baling ang atensyon sa isa sa mga kasamahan ng driver isa sa mga malayong kamaganak as in relathieves sya ng kakilala ko dito sa Ovarrio. (Isa ding mangangantso ang futah!)

Middle man: *Sabay senyas* Itinuro ang hintuturo *Sabay bulong ng* [Isang kiaw...] nahihiya kasi tong magsabi eh (Referring the driver…) *Sambit ng middle man.*

Customer: Bakit sya nahihiya? Anong dapat ikahiya? (Yan ang mga tanong ko sa sarili ko ng sandaling iyon…) Nakahubad ba sya? Umeebak ba sya sa plato nya? Kinakain nya ba sarili nyang ebak? Nanlake ang aking mga mata at di ko sure kung tama ba ang pagkakaintindi ko kasi nga lahat sila tila mahiyain pero nang-de-dengoy na. *Sa isip ko lang. * Isang daan ba o isang libo? Isang libo nga ata!!! E, hehehe kung ako man ang mamang driver, mahihiya din ako sa balat ko ang KAPAL!

Middle man: O kasama na din jan ang pamasko… (As in may hirit na ganun? As in close ba tayo??? Bakit may pamasko? Inaanak ba kita?)

Secret Service -At shempre Bentambling din si Jose C. Sison; Kapag May Katuwiran, Ipaglaban Mo!!!

Eksampol 1. Kumain kami sa Triple V as in doon sa Dad’s, Saisaki, Kamayan at Paahan leche! Di naman masarap syet ~~~ After kumain na sight nila atashi at watashi ang moist towelette. Eh di malamang saan pa ba yon para, diba? Di pinamunas na namin. Nang makita ang cheat mula sa waiter, laking gulat namin na may charge na 8.00Php – OMG as in Oo May Ganun talaga, as in gumaganun talaga! Chi-narge kami sa paggamit ng nasabing tuwalyalita. Hahaha, tinawag ang head waiter at tinanong ang nasabing hidden charge na itech…

Customer: Ano po tong 8.00Php na ito?

Waiter: Yong towelette po.

Customer: May charge pala sya? Di ko alam eh, sana diba nilagyan nyo na kapag ginamit may bayad!

Waiter: *Sabay kamot sa ulo sa baba, sabay inamoy pa. Hahaha.* Errrggg, pangit naman po na ilalagay namin na kapag ginamit nyo may charge.

Customer: Ahhh ganun ba? Kaya charge nyo na lang kami ng hindi namin alam? Di ba mas pangit yon?

Waiter: *Di naka-imik ang hamak na taga bigay ng secret service na ito.*Binura na lang nya ang walong piso sa cheatshit nya… Heheheh.

Hehehe, *Kamut ulo, sabay kagat-labi.* eh kung makakalusot – lulusot talaga… Pero di nakalusot ang nasabing restauran sa mga ellofanggang customer. Kaya sorry na lang! Sa uulitin… That is kung meron pa?

Kung ako naman sa Triple V, bakit di na lang sila maglagay ng X10 na Evat leche o service fee? May kagaguhan pang ganun? Ano ba? Imberna ha! Kahit hindi ka na-inom ng kape magkakaron ka ng kaba sa dibdib mo about that hidden charge. Hehehe buti 8.00Php pero paano nga kung mas mataas na sa 8.00Php ang hidden charge ng secret service na ito? Ahhh malamang baka mag-amok na ako doon sa Glorietta!

Negosyo – In your fez. Di na kailangan imemorice iyan.

Eksampol 1. Upon arrival in Caticlan (Well I got the prepaid boat and land transfers roundtrip, para wala nang aberya!) We was picked up by someone from Boracay Tropics, he got our luggages from Caticlan and transfered it to the tricycle. He came with us from the airport to the jetty port at ang hitad na ito di man lang nagpaalam basta na lang ibinigay ang bagahe sa isa sa mga porter para isakay sa bangka… Laking gulat namin ng sinisilgil na kami ng porter, bayad daw namin pagpapabuhat ng bagahe? Huh? Ako nagpabuhat sayo? Kelan? Ang gagung taga Boracay Tropics ibinigay pala sa porter – gagu! Syet di naman kasalanan ng porter yon, pero sasabihin ko sana eh di yong taga Boracay Tropics ang singilin mo! Huwag ako lol. dahil binigyan ko na sya… NAKAKAIRITA yong pagpapasa-pasahan ang bag mo, negosyo sobra… Dami kailangan bigyan ng TIP yong nagbuhat sayo originally tapos bibigyan mo pa yong inutusan nila tapos yong inutusan nila may inutusan din lecheng NEGOSYO yan o!

Expectant – Parang buntis korak as in expectant mothers lols. As in di ka nila lulubayan hanggat di mo sila na aambunan ng tippanya! PSBNASPa Simpleng Bulok Naman Ang Style aksaktimo!!! Nakakainis sobra.

Eksampol 1. At bakit nga naman ako magbibigay ng TIP sayo? May hiningi ba akong serbisyo mo? Binuhat mo ba mga bagahe ko? Kung hindi lahat ang sagot dito – then no TIP! Asa ka pa! (Ang nakakainis dito nangunguna pa sayo, diba? Pinangungunahan ka na di ako aalis sa muka mo *As in inyourfez!* Kung di ka maglalabas ng andalucia jan! Di nya verbally na sinabi yan. Pero SYET-SYET-SYET Elvie (Tago na lang natin sya sa kanyang tunay na pangalan shhhhsss…. Bwahaha… Tandaan si Diwa kapag inurat, mas murat pa sa urat!) denelayed nya kami sa pag alis sa Norte para ano? Makalibre ng pasahi pa-Maynila pwe what-not! Asar ha! Gusto mo pala ng andalucia eh gusto mo pala ng PAMASKO daming pasikot sikot di derechahan – ayan diyan na nalabas ang MAHIYAIN PERO MAKAPAL NAMAN PALA… Gush Abelgush! As in ayaw nya kami paalisin – alis na alis na kami no, as in gusto nya sya masunod at magplano sa bakasyon namin doon as in doon sa Norte, denelay nya kami ng denelay yon lang pala ang pakay – di na lang nagsabi… Dami pasikot-sikot! Paikot-ikot sobra… Isa lang pala pakay! Asan na ang BAYANIHAN? Que barbaridad!!!

Pootah ka kusa kang sinamahan kami kala namin for the goodness of your heart pero pailalim ka leche! Mas nag enjoy ka pa nga sa mga caves at pasyal-pasyal. Libre lahat ang entrance mo then ganun pa gagawin mo? Gagu! (Wala naman kasing gaguhan, kung nagpakaayos sana sya na di parang Kapal Muks baka may konsederasyon pa.) At hindi ako nanunumbat na kesyo-kesyo. Asar na lang.

Note from the blahgah: Objective of this entry is to inform all bakasyonista, turista, parlorista, elitista, sabunggera eklachuchu – yo no soy marinero; mechado-menudo-afritada. Whom in the future might plan to be on the same situation. *Thehehe, talagang i-pli-nano bang madengoy ka no?*

And to partially end this entry I will leave you all (Yong 6 na readers ko; which includes me.) This, ~~~Ang magnanakaw, galit sa kapwa nya! Kung may nagpapaloko, naturalmente may manloloko.

Bwahahaha…

Ito pala ang mas matindi —- Mahiyain pala ako. As in mahiyain! Nahihiya ako manabla o diba, yan pala yong natatago kong ka-baitan syet! Mahirap kasi minsan yong ang daming kesyo-kesyo kiaw-kiaw so para walang usap i-give in ko na, kahit ayaw ko; sige na nga eto na, pero MALI – at ang isang kamalian ay di matutuwid ng isa pang ka-malian ~~~ Iboto nyo po ako running for first lady! Syet…

Lastly but surely maginat lagi sa mga mapagsamantala kaya ang i-press release OFW ka! Pasok yan sa banga. *Kaka press release ko na OFW ako, ayun pinaalis naman ako sa pool sa Cebu, kasi naka long eslebs ako! Hmmm bakit yong Koreana di nila pinaalis? Naka maong at long eslebs din naman sya ah?* Eh bakit ba walang pakialaman – ayaw ko umitim no, kaya kanyang trip lang yan! Ibang klase no? Gets nyo ka-Ovarrio??? So saan ba ako talaga lulugar??? Dito ba??? O dito ba? O ditoooooo ba???

Ob kors may follow up itechi agbayani! ABANGAN… Heheh di pa ako inaatake sa puso, all is well, minsan nakakainis lang dami kailangan lagyan at padulasan… This is my second trip to the Philippines, kala ko noong una ko pwede ko palusutin, dala na din ng pagka hilo (18 hours kaya byahe? Lol.) pero ganun ata na talaga mga Pilipino ngayon… Tsk, sayang… Asan na yong mabuting loob ng mga Pilipino? Yong kusa? Yong kultura??? Asan na sila??? *Drinks my Lipitor…*

The byaningtrooperz are back – due to bipolar demand!

And they is going to the Philippines! OMG as in Oo May Ganun – Talaga! From Philadelphia-New York-Korea-Pinas. Tinalo ang from Paris to Pinas ni KC as in KClyn Francisco bwahahaha!!! *Footah, na-bu-buang na naman ako!!!*

A few daze from now will be in PI – Not Putang Ina but Pinas ang lupang hinirang! And I won’t disclose the dates bwahahah – eh kung ma-Ninoy Aquino ekk Benzahir Bhuto ako sa airpot ng mga kaaway ko? Eh di lost na agad ang karir ko?

img_0029_2.JPG

Of course the byaningtrooperz had their passport ready at dapat 6 months beyond pa ito bago mag expire or else lost ang karir mo! At para no need for a visa – Pina-dual-citizenshipssss ko sila! Diva kapag foreign born ka, you are only allowed to stay in Pinas for only 21days without a visa — Tandaan yan mga foreign borns, na kagaya ko na born in L.A. as in Legaspi, Albay bwehehehe…

Isa pang travel tip mula sa byaningtrooperz… Travel light! Wag na wag magdala ng bagahe – magdala ka ng bagahe ng iba (Di worth lalo na yong kargamentong dala namin pucha may libre atang kagaw! Nangati kami ng mga trooperz habang iniempake itech! Libreng allergy din dahil ang baho-baho ng mga kargamento nya footah tong merkanong nagpadala sa akin eh magsasabog ata ng lagim ng kagaw sa PI syet!) Ng kumita ka! O diba!!! Ngayon pa, na madaming nagpapa-cargo, samantalahin ang monument na itech! [That is the Italian (Ita at Ilocanong heritage of me at Jewish.) Ibang klase diba? Lethal sa pagka Elofanga!] Hahahaha. *Check-in mo ang bagahe na binayaran sayo, but make sure that you check it! Bawat hibla tignan mo at baka ma-broke-down palace ka ala Claire Danes or Bridger Jones Diarrea ka!!!*

Itong modus operandi: Ang handy carry mo make sure na di makikita ng airline personel dahil andoon lahat ang personal na kargamento mo – at kapag nakalusot ka winner! Plangang butas! Kahit pa 200lbs ang laman nyan hahahaha!!! Just make sure that you can lift that hand carry and it’s going to fit at the overhead cabin.

Isa pang tip, call your cell phone provider ask if they can unlock your phone so that you can bring it with you kung saan ka man papunta – sa impyerno, ewan ko kung may service doon – pero since ang phone ko daw eh quad band at napakatagal ko nang gagung customer na nag tya-tyaga sa serbisho nila – eh pwedeng pwede ko daw sya gawin, kahit saang lupalop ng mundo! At eto pang isang tip – ask them (Your service provider.) If they can turn off your phone/service while your gone – aba malaki din matitipid mo jan mga PISO ata – aba wala ka naman so sino maaring gumamit ng phone mo? Si Kokey??? At kahit maglakad ka mula Monumento to Baclaran I don’t think makakapulot kapa ng Piso sa ngayon!

Ito pang isang tip ha, do your shopping ahead of time. As in waywayway ahead of time. Pag nag sale ang mga chocolate ng Easter go lalush bayola ka na, sasabihin ng mga relathieves mo pag binigay mo yon at di pa season diba sikat sila saan sila mamakita ng may Easter chocolates? Sila lang meron nyan! Samantalang mag-pa-Pasko pa lang diba? At ang mga chocolates ngayon theme eh Santa Clause, sayo mga kuneho na! Hehehe… (Talaga namang pinakyaw ko ang mga chocolate doon sa tindahan noong nakaraang Easter at ang sabi ng hitad na kahera – whoaaaa that’s alot! Well I have a sweet tooth! Who cares? Even the care bears doesn’t!!!) Benta na yon!

Kapag nag-bakasyon ka, ang gastos di nagsisismula sa destinatyon mo, nagsisimula sya bago ka pa lang lumayas ~~~ Diwatangbyaning  (And you can quote me on this one.)

Always buy pasalubong from the wholesalers! Yong mga kahon-kahong candies doon mo bilihin… Sabay tangalin ang kahon, dahil masyado syang bulky okay. Ito dapat handy sayo always – dahil kapag papasok ka na sa Philippine immigration at customs may bumati sayo ng Merry Christmas at expected you have to be polite too. Greet them accordingly and you know finalize it hahaha isplurk ng trooper sabay bigay ng tig-iisang fruit loop sa bawat isa sa kanila.

Hmmm chika update sa aking second day may itinerary agad – May party agad [Di pa man nag iinit ang bangkay!] and I hope it’s not one of those pity parties that I had before… Geezzz…

I feel love, really… They will take time to spend it to me, with good food? For sure all my relathieves will be there…

I really really really feel special as in special child footah! May naka organize agad na DysFUNCTION!

(more…)

Mga bekbek, andetrax na si atashi!

Pootah na-iimbei ako! *Ekkkkkkkkkkkkkkkkk, erase-erase-erase!!!* Wala nang negative tots i-play ang vedeo sa baba… (Epektib naman…) Ganun!

Mga tivoli bars kaya pag nanood ng Paquiao game ganito rins kaya sila? Bwahahahaha… At para hindi ako nag wo-wonder, papa Pacquiao party ako tapos imbetahin ko mga repaks – and well see kung mag picharahan ang sangkaPARE-han. LOLs. Have a nice weekend… *Syet why am I nice like, pa nice – nice weekend pa akong nalalaman dito?* Syet hehehe ambait ko, kukunin na ata ako ni Lord! Syet~~~

HOMO Improvement!

OMG! Sa wakas ha, naka kuha na din kami ng aming last renter (Pang 15 ulo, na nakaukupa sa 2 bedroom ekkk ekkk luxury apartment ditech sa cuidad!) Shifting nga ang pagtulog diba??? Hahaha luxury apartment ek-ek na panay tarima na double deckers lol!

Kaya naman mga ka-Ovarrio ang ateng nyo improving na – may internet connection na sa wakas, naka-afford na din!

untitled3.JPG

(Ekkkkkkkkkkkkkkkkkk ackkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk at isa pang matinding ekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk from the top of my lungs!) Naka pc na lang? Ang cheaaaaaaaappppweee!

Ito muna ang update for now kasi GTG na dahil may nakatok  — baka potential bed spacer ampootah hehehe. Bablich!

Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers