More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Archive: Friends

Enough of this. This is too much, already!

Yan lang ang mga katagang nasabi ko sa asawa ko (Pinagbakasyon ko muna – sobra-sobra na ata ang pagka-traumatize nya sa bunganga at dakdak ko lol.) ng talagang di ko na ma-take na may ibang tao sa loob ng bahay na nakasapatos! (Dalawang linggo mahigit and will still be counting? Kasi di pa ata tapos ang trabahu… Akong nagdusa at magdudusa pa?) Nagpapagawa kasi ako dito sa balaystina 2 linggo ang nakaraan tapos biglang no-call / no-show ngayon ang mama? Baka nakulitan sa akin? Kasi panay ang tingin ko sa kanila tapos panay ang tanong ko na – so kelan ang balik mo? Andito ka ba bukas? Hahaha para itaaon ko na andito din ako at mabantayan sila kung saan sila tatapak (Bago pa man mangyare ang kahindik-hindik na krimen na ito [sapatos sa loob ng bahay! *Voice over ni Gus Abelgus*] krimen yan sa akin! Hahaha… Kinausap ko ng masinsinan ang sarili ko. Na talagang kung gusto ko na maayos yong konting sira eh talagang kailangan ko magpapasok ng tao dito sa bahay ng nakasapatos at gagamit sila sa banyo ko.) Okay naman ako – pikit mata na lang hahahaha. Talagang nilunok ko na lang. Kaya bago kami mag-agree kung papagawa ko sa kanya. Inin-terview ko muna. (O ilang araw ang gawaan? 1 week daw. Estimate ekk ekk. Pucha till now di pa tapos arg! Tapos sabay sabi ng basta iwan mo susi para makagamit din kami ng banyo! ARGGGGG, nagpanting ang tengga ko as in. Wala akong worries na nanakawan ako o kung ano man talaga, sapatos lang ang worry ko talaga hahaha.) Eto pa, noong nagawa sya sa basement noong isang araw, narinig ko dumahak as in. *Napaka-kagat-labi na lang ako eh* Saan kaya dumura si Kuya? Sana naman sa cup (LOL.) o sa basurahan, wala naman kasing sink sa ibaba eh.

I feel bad for myself – feeling ko ang pangit kong employer kasi nga banyo lang pinagdadamot ko pati sahig! Hahah. But, I think I did a good job – I was fair to them by letting them use my restroom and step on the floor with their big and heavy boots hahahahaha!!! But 2 weeks and moreeeee is just too much!!! TOO much already for this small job! It should have been finished before the holidays!

Kung hindi nyo alam – eto ha. May pagka OC kasi ako. (May nasabat sa likod ko hindi naman daw may-pagka-OC, talagang OC daw ako! At nuknukan.) Ayaw ko na nagpapasok ng sapatos sa loob ng bahay. Ang dumi kasi sa kalsada noh as in. May dura, ta*, ihi at kung anik-anik na bakterya na napagmumulan ng mga sakit! Ang hindi ko maintindihan paano kaya ako nag-thrive sa tarbahu ko? Yan ang talagang palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon. (Sabi nga ni ate Nena, bawat sugat piso yan iha! Hahaha.) Malamang pikit mata at lunok na lang. Bwahahaha.

Something happened to me that I am not aware. Maybe something traumatizing. Yan ang sabi ko kay Maila noong isang araw. Paano ba naman talagang grumabe ata ang ka-OC-han ko, yan din ang sabi nya. Kasi hindi naman daw ako ganito ka-grabe noon. Baka nga daw may mga ekk ekk rituals na ako? Ha ano daw? Gurl wala pa naman ako sa ganyang level – di naman. (Knock on wood! Katok!!!) Eh baka nga mamaya sa ka-grabehan maging ganun ka na. Wag naman please! LOL. Eto nga ang hirap na noh! Biruin mo ako napaka-hilig ko manood ng tv. Pero hindi ako nagpa-cable. Paano ba naman, yong mag-i-install hindi maghuhubad ng sapatos ay patay tayo jan! Forget the cable bwahahaha! Few years ago nakapagpakabit ako – nadiskubre ko na ah pwede pala yong shoe covers, kasi nga diba for safety kailagan nakasapatos sila? So yon isa-isa silang pinagsuot ko ng shoe covers. Tapos may mga card-board ako sa sahig for more diva? Pero hindi din ako na-satisfy sa outcome nito. Kasi nga paano ba naman naka shoe cover ka nga tapos baba ka sa kalsada tapos basement tapos panik ulit sa unit? Di ganun din pucha! Kinaladkad mo lang sa covers ang dumi. (Kaya ang tanong ko lagi sa cable company kapag nagpapakabit ako ng internet – pwede bang self install? Walang self install na cable tv eh. Hahaha. Kapag hindi, dedmakels! Tawag naman ako ng isang company. Ang mahal mahal na nga ng binabayaran ko sa comcast sa internet pa lang – paano kasi sila lang ata ang may self-install leche!) Malaki din natipid at naipon ko sa mga taong wala akong cable tv.

Believe me, when people visit me – I really hate to ask, pwede bang paki hubad ang sapatos mo! None of the people who visit me does this to me when I am the one visitting them. (Sabi ko nga sa kanila – kanya-kanyang trip lang yan! Walang basagan ng trip. Hahaha.) And I am sure they do understand. Many of my friends volunteered to help paint the house – sa loob-loob ko (Mag-huhubad ba kayo ng sapatos nyo? Ang sama eh noh. LOL.) Well, I insist the house doesn’t need any painting it is fine as it is – kahit it needs one. Hahaha. At yong isa nagpupumilit mag punta para tignan ang basement ko kasi moist nga sa ibaba eh. (Aren’t most ibaba moist? HAHAHA!) I know they all mean well. Most of my friends know this. Kahit yong iba hindi pa sila nakakapunta sa bahay, kwinukwento ng mga nakapunta na. Ang tawag mga nila sa bahay ko contaigon eh bwahahaha.

I don’t think my relathieves are aware of my condition! Kinakanchawan na ako – kelan ang house-warming? Syempre palusot ko – ayyy *Kamut-ulo* napakilit ng bahay hindi kayo kasya – bigay nyo na lang sa akin ang regalo nyo! Hahaha!!! (Maliit talaga ang bahay! Di yan chika-chika patani.) Saan kaya maganda magpa house-warming? Sa buffet kaya o sa hall? Potluck? Hahaha. Leche! Dapat nagpa house-warming na kami noong pa lang sa lumang apartment ng matangal ang mga gamit papunta dito. (Doon pwede at free magdala ng sapatos sa loob – hindi ko na tirahan yon noh!) We should have done that!!! Bwhehehehe. Bheee.

Kaya nga mga nakukuha kong tagabuhat sa lipat-bahay eh mga pinsan kong teenagers paano ba naman sila lang ang nauuto ko sa paghubad ng sapatos. Bwhehehe *HIK* Hindi naman gagawin ng pro-movers yan noh, safety nga daw eh – daming kalokohan dito sa Amerika! Kaya naman ang furniture ko pagkalipat sira-sira din shet! Lunok na lang talaga – at least walang pumasok na sapatos sa bahay ko at sahig ko malinis hahaha. Kaya-kanyang trip nga diba? My head is working differently! Hindi ko din maintindihan!!!

Kaya eto ngayon ang theme ng bahay Japanese kahit pa ayaw ko! Pinalagyan ko ng tatami mats ang buong bahay – para hindi na ako magsasabi na. Pwede bang paki-hubad ang sapatos. Hindi naman kailangan I-memorize ng mga bisita diba. Tatami mats=no shoes! Kanya-kanyang diskarte at gimick lang talaga!

Great dinner!

Yan ang walang hanap-buhay, pa-dinner-dinner na lang! Hahaha…

Ampootah! Kapag ang tao talaga walang magawa sa buhay nya — lahat naiisip gawain… Cause yesterday afternoon – pootah nanahimik akong nagiinom, humahagikgik at nagiling [Kulang na lang cage, hahaha go-go na!] sa kitchen/bar ko ng biglang nag-ring and phone ko at may aabush ng bisita sa akin! His/Her Royal Ka-Chuvahan went here o diva — paano ba naman kasi, nabalik ako sa kanya – gusto ko ulit mamasukan sa kanya – nak ng teteng sabi ba naman sa akin gumawa ka muna ng dissertation bago kita employ ulit! Ano daw ang gagawin ko??? ANO?

download.jpg

For a start

download-1.jpg

(more…)

The byaningtrooperz are back – due to bipolar demand!

And they is going to the Philippines! OMG as in Oo May Ganun – Talaga! From Philadelphia-New York-Korea-Pinas. Tinalo ang from Paris to Pinas ni KC as in KClyn Francisco bwahahaha!!! *Footah, na-bu-buang na naman ako!!!*

A few daze from now will be in PI – Not Putang Ina but Pinas ang lupang hinirang! And I won’t disclose the dates bwahahah – eh kung ma-Ninoy Aquino ekk Benzahir Bhuto ako sa airpot ng mga kaaway ko? Eh di lost na agad ang karir ko?

img_0029_2.JPG

Of course the byaningtrooperz had their passport ready at dapat 6 months beyond pa ito bago mag expire or else lost ang karir mo! At para no need for a visa – Pina-dual-citizenshipssss ko sila! Diva kapag foreign born ka, you are only allowed to stay in Pinas for only 21days without a visa — Tandaan yan mga foreign borns, na kagaya ko na born in L.A. as in Legaspi, Albay bwehehehe…

Isa pang travel tip mula sa byaningtrooperz… Travel light! Wag na wag magdala ng bagahe – magdala ka ng bagahe ng iba (Di worth lalo na yong kargamentong dala namin pucha may libre atang kagaw! Nangati kami ng mga trooperz habang iniempake itech! Libreng allergy din dahil ang baho-baho ng mga kargamento nya footah tong merkanong nagpadala sa akin eh magsasabog ata ng lagim ng kagaw sa PI syet!) Ng kumita ka! O diba!!! Ngayon pa, na madaming nagpapa-cargo, samantalahin ang monument na itech! [That is the Italian (Ita at Ilocanong heritage of me at Jewish.) Ibang klase diba? Lethal sa pagka Elofanga!] Hahahaha. *Check-in mo ang bagahe na binayaran sayo, but make sure that you check it! Bawat hibla tignan mo at baka ma-broke-down palace ka ala Claire Danes or Bridger Jones Diarrea ka!!!*

Itong modus operandi: Ang handy carry mo make sure na di makikita ng airline personel dahil andoon lahat ang personal na kargamento mo – at kapag nakalusot ka winner! Plangang butas! Kahit pa 200lbs ang laman nyan hahahaha!!! Just make sure that you can lift that hand carry and it’s going to fit at the overhead cabin.

Isa pang tip, call your cell phone provider ask if they can unlock your phone so that you can bring it with you kung saan ka man papunta – sa impyerno, ewan ko kung may service doon – pero since ang phone ko daw eh quad band at napakatagal ko nang gagung customer na nag tya-tyaga sa serbisho nila – eh pwedeng pwede ko daw sya gawin, kahit saang lupalop ng mundo! At eto pang isang tip – ask them (Your service provider.) If they can turn off your phone/service while your gone – aba malaki din matitipid mo jan mga PISO ata – aba wala ka naman so sino maaring gumamit ng phone mo? Si Kokey??? At kahit maglakad ka mula Monumento to Baclaran I don’t think makakapulot kapa ng Piso sa ngayon!

Ito pang isang tip ha, do your shopping ahead of time. As in waywayway ahead of time. Pag nag sale ang mga chocolate ng Easter go lalush bayola ka na, sasabihin ng mga relathieves mo pag binigay mo yon at di pa season diba sikat sila saan sila mamakita ng may Easter chocolates? Sila lang meron nyan! Samantalang mag-pa-Pasko pa lang diba? At ang mga chocolates ngayon theme eh Santa Clause, sayo mga kuneho na! Hehehe… (Talaga namang pinakyaw ko ang mga chocolate doon sa tindahan noong nakaraang Easter at ang sabi ng hitad na kahera – whoaaaa that’s alot! Well I have a sweet tooth! Who cares? Even the care bears doesn’t!!!) Benta na yon!

Kapag nag-bakasyon ka, ang gastos di nagsisismula sa destinatyon mo, nagsisimula sya bago ka pa lang lumayas ~~~ Diwatangbyaning  (And you can quote me on this one.)

Always buy pasalubong from the wholesalers! Yong mga kahon-kahong candies doon mo bilihin… Sabay tangalin ang kahon, dahil masyado syang bulky okay. Ito dapat handy sayo always – dahil kapag papasok ka na sa Philippine immigration at customs may bumati sayo ng Merry Christmas at expected you have to be polite too. Greet them accordingly and you know finalize it hahaha isplurk ng trooper sabay bigay ng tig-iisang fruit loop sa bawat isa sa kanila.

Hmmm chika update sa aking second day may itinerary agad – May party agad [Di pa man nag iinit ang bangkay!] and I hope it’s not one of those pity parties that I had before… Geezzz…

I feel love, really… They will take time to spend it to me, with good food? For sure all my relathieves will be there…

I really really really feel special as in special child footah! May naka organize agad na DysFUNCTION!

(more…)

Halloween @ Voyeur

What happens in the dark, stays in the dark! Hahaha, secret di ko i-po-post ang mga ka-hindik-hindik na mga litrato… Pero kung ako’y pipilitin, pwede din…

img_0237.JPG

img_0184.JPG

img_0127.JPG

img_0139.JPG

img_0175.JPG

Thought for the season: Ang tae maskrahan mo man, tae pa din… Hehehe… *Aray!*

Bwahahahah (Tawang Ben David…) I will be back for more.

Overhaul?

Probably hmmm more of a tune-up? Okay whatever it is… Hahaha… Di pa naman ako ganung ka-tanders! *EHEM* (Sabay lunok…) Ng ano? *Presses the buzzer!* Ng bato??? *Si Darna ka?*

Some kinda words of wisdom: Pagnagkaka-edad ka kelangan mo ng matinding Overhaul!

Kakalowka!!!

It all started with… I have to find another dentist BLAH – one who does accept my insurance PPO daw kasi, so kahit saan pwede? Hmmm all over the nation? Hahaha – May naalala ako… (PPO ang insurance ko noh – so kahit saan ako pumunta pwede! D kelangan ng referral. Kahit saan… Nationwide ito noh, all over the kwantri!) Giit ng babae, di ako nagsabi non! Sabi ko naman *May kasamang pagkamangha sa insurance nya!* Really? Kahit saan? Hahaha, huling balita ko sa Alaska ata sya nakakita ng nearest Neuro wala kasing Neuro na natangap ng PPO sa kanilang baranghey sa east coast bwehehe kasi PPO nga! Nationwide! All over the kwantri nga iyon!

Oo sa cuidad nga ako nakatira pero lahat ng mga ka-ek-ekan sa boquirin pa din nagaganap, palibhasa malapit sa factoring pinagpapartyman ko.

10 weeks ago (Tindi!) before my scheduled appointment, went to nearby dental office, *Tantantinin* (Parang background musak sa mga action movies ni WengWeng.) Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasilayan. Sabay sabi sa aking sariling (Asan ba ako? Sabay kamot sa ulo sa itaas.) Pootah kulang na lang may maglako ng shingaling, balot, chicharon, mineral water na galing sa poso! At yong mga tao kulang na lang may dalang mga lata ng biskwit pucha. Nagaantay ng huling byahe papuntang L.A. as in Legaspi, Albay! Syet parang istasyon ng bus sa Maynila parang nasa Farinas bus station <<<— hahah plugging? Ekkk! Dental office daw ito! Hahaha… Syetness! Meron pa lang ganyan dito sa prominent shala-shalahang boquirin daw??? Malamang tong dentistang to by quantity ang drama sa PPO – pakyawan ba, kaya naman ganun kadami talaga ang pasahero nya ey shet paseyente pala, sorry!

Lagare kung lagare! Dahil pagkatapos doon sa istayon ng bus takbo naman kami (Yesa, kami. Nagsama ako ng hatak as in entourage. Isa lang nauto ko eh lol. Para pag tapat ng spot light sa akin eh may taga palakpak ako!) sa patak center ni Doc Juan Flavier. Cuz you know, I need to DOH it noh! Hahaha… At times like this, I wish I have notabels, kahit kasing haba lang ng vienna sausage at kasing payat lang ng panda ballpen bwahaha *Wala akong paki sa machismo, na kesyo kelangan kasing lake ng braso ni Hulk Hogan syet!* It’s all in the performance, at nag BOW pa kamo after ng nasabing performance. HAHAHAH!!!

Paunawa: Hindi ito bastos! Huwag klikin, kung ayaw makakita ng puday!

(more…)

Gheysha Diaries: It’s a ghey, ghey, gheyyyy world after all

p.JPG

(more…)

Pre-game: iyotan na ta!!!

Putukan na!!! *Hoy mga magickera, careful-careful, alam nyo na. Aba mahirap na ang maputukan no…*

I love wine. [A meal is not a meal to me if there is no wine.] (Kahit pa tukneneng lang ang hapunan?) I wasn’t really into wines — but then again, kapag naTANDA KA, sometimes you wanted something tame right? Hahahaha…. Owkey, so who am I fooling here? I think I can drink almost anything. *Presses the buzzer* Ekkk Malt liquor? Bwahahaha – Pucha, try harder! *Presses the buzzer again* Everclear? Hahaha, ekkkk no – not ever.

(more…)

Re-posted: Diwata Production Presents…

I love this ever-ever (Kaya nga eto, re-post daw eh…) I did this post, when I was just starting to blog. Sisihin si Barbie kung bakit madaming naging tibo ek-ek magic bwahahaha…

WARNING: Parental guidance is needed — BADLY! Do not click it you is a minor!

(more…)

let it snow, let it snow, let it snow!!!

12/19/2009 – It snowed whole day/night non-stop, and it was a pretty much heavy snow. In fact it was up to the neck, kung si mahal yong tao diba? For me since matangkad ako? It’s up to my thighs hahaha nakaluhod kasi ako? [Ayaw na nga ako paalisin ng amo ko kahapon eh, natatakot na hindi mag call in ang tao ng Sunday, ang sagot ko – are you for real? Hahahaha… Kahit 20 feet ang snow uuwi ako, kahit maglakad ako ng nakaluhod. Am just not comfortable sleeping there. Takot mapagsamantalahan? Hahaha. Hindi din! Takot ako sa contamination!!! Hahahaha as in biohazardous stuffs… Ekkkk!]

img_0008.JPG

Ngayon lang ako nagpala ng snow for a very longgggg period of time. At hindi na mauulit ito kasi next week lilipat na ulit ako sa condo wheeeeeeeee… *Ang sakit sa braso ang sakit sa lower back, kakagaling lang ng tuhod ko, ngayon eto panibangong sakit na naman ng katawan.* Pota [Don’t say bad words!]

img_0005.JPG

After I cleared the drive way, I took a dive on the other side of the driveway – you know kasi, I word hard – I even play harder bwahihihihi… I wanted to make maize con heilo and a snowman (Hahaha parang ngayon lang nakakita ng snow? Bagong salta? Lol.) But then, I didn’t. It’s texture is still soft — just perfect for a snow cone lol.

Patnubay ng magulang ang kailangan: If you is 18 or below please do leave now as in now na! But if you is 50 and above… CLICK – CLICK – CLICK.

(more…)

Strength is measured not by holding on, but by letting go…

Figuratively it takes alot of strength to let go…


Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers