More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Archive: Encounter

Girl haunting

With all accessories pa ako nyan fatigue, muk up na itim sa ilalim ng mata and all that, para akong hunyangong nagtatago sa mga halamanan bwahahaha… Makakuha lang ng photo opps for bubelyas at mga keps if there is lol (Itong natutuhan ko sa BFF ko as in Baklang Friend Forever ampootah. Kumuha ng picturakas ng mga naggagandahang babae. Ekkkkk!)

Nabalitaan ko kasi na magaganda daw mga babae sa West Coast? Totoo kaya ito? Kaya kahapon talagang i-shi-nure ko na mag girl hauting (As in hindi hunting — HAUNTING ampootah!) [Sabay kanta ng pinaka favorite song ko]

~~~ *California girls, we’re unforgettable, Daisy dukes, bikinis on top! Sunkissed skin, So hot we’ll melt your popsicle!

Oh oh oh ohhhhhhh!*~~~

Click-Click-Click

(more…)

Ang babae sa bintana…

Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit hanggang ngayon eh andito pa din ako sa Pinas…

img_0335.JPG

Ayan ang vicinity ng aking BaranGAY na tinutuluyan. Marangal naman diba?

img_0336.JPG

Madalas ang tambayan ko ay itong balkonaheng ito… Dito ako nagmumuni-muni, nag-iinom, nag-yoyosi, natawa at naiyak… Kulang na lang dito ako tumira sa balkonaheng ito *Ay sinabi mo!* Yessa kulang na lang dito ako magbihis, maligo at matulog!!! Kaya dapat ang renta kalahati na lang tutal andito ako lagi sa balkonaheng ito.

Dito sa balkonaheng ito nagbunga ang isang pagkakaibigan kalandian/pag-ibig na di ko inaasahan… Dahil kapit building ko sya as in kalsada ang aming pagitan syet hindi pader! Nak ng pucha.

<<<REWIND<<<

img_0337.JPG

Dito ko sya unang nasilayan sa bintanang iyan *Turo pa-nguso* (Di ko na ituturo kung saan mismo, baka i-stalkin nyo pa!!!)

Nagiinom ako ng mga kasalukuyang iyon… *Gulp-gulp-gulps/Hit-hit-hit=buga* Ng biglang may babaeng nagbukas ng ilaw, naghubad sabay nag treadmill *Syet may fetish sya???* Nag-e-exercise habang walang saplot? Nanlake ang mga mata ko. Kinilabutan ako (Di ako sanay sa mga ganyan! Ekkkkk my virgin eyes) *Sabay takip sa mga mata pero kita ko pa din sya ahihihihih.* Hindi ako umalis tila ba inaabangan ko susunod nyang gagawin *Bwehehehehe… Tsismosa eh!*

Minsan isang umaga nagkape ako sa balkonahe at andoon din sya sa bintana kumaway. Eh di kinawayan ko rin. *Hindi naman ako suplada in person no!*

Basta may routine sya sa hapon… Maghuhubad sabay mag treadmill at kung anik-anik pang posisyon *Pang exercise ha! Ganda ng pangangatawan syet define na define stalap pisil-pisilin at lapirutin.* Sa umaga naman kagaya ko nagkakape naman by her window. O diba hanggang nasanay na sya na nakikita ako sa kanyang bintana.

>>>FAST FORWARD>>>

Nag-invest ang inyong lingkod sa kartolina at pentel pens! Dahil alam ko ito lang ang paraan para makausap at makilala ko sya. At di naman ako nabigo sa aking mga plano. Naging consistent ang paguusap namin through my balkonahe at sa kanyang bintana. At talagang ito ang ini-look-forward ko sa twina! Ay talaga naman haharurot ako ng takbo magkauwi lang ng maaga at madatnan sya sa bintana nya para kahit saglit no may inter-action figure kami. *Para akong nabalik sa aking pagiging teenager syet! Kilig to the bones.*

May kulang-kulang na isang buwan na kaming ganito bintana/balkonahe mates. *Yessa, may bintana/balkonahe mates! It exist noh! Syet txt mates nga nag exist sa amin pa?* Ng mapagpasiyahan namin mag meet sa baba ng kanyang building sa may Pan de Manila o diba alam nyo yon? *Mahal nga ng pandesal diyan eh, isang piraso 25 pesos syet!* Iba na kasi ang silakbong nararamdaman ko sa kanya… Basta, yon nga lagi ko syang gusto makita at makausap kahit man lang sa pamamagitan ng kartolina at pentel pens syet ang lala diba? Di lang crush, mahal ko na ata sya — sya kaya ganun din??? So ayun nga, napagpasiyahan namin 2 *Alangan naman ako lang may gusto non? Mga gagu!* Na mag meet na, ng malaman na namin kung ano ba talaga ang lagay? *Hahahah sa part na yan hmmm baka ako lang ang nagiilusyon at nangangarap…*

So sabi ko naka pants ako at black shirt at sya naman daw naka dress na green… Nasa malayo pa lang ako nasilayan ko na sya ang back at side view nya… *Kabado ako at pinagpapawisan pa.* Ganda ng buhok nya mabaha at maypagka wavy syet parang ang bango-bango nya at ng hair nya talaga – parang amoy sun slik lol… *Dyahe nga eh, kasi na-late pa ako. Bwahahaha aktuali sadya ko yon – para sabihin sa kanya na di ako basta-basta hahahaha.*

SECRET REVELATION: Through kartolina and pentel — Mahal na ata kita! Inibig kita sa tingin ko!

Me: Hi, finally! Nice to meet you. Am DB to the WA. I live across your building. *Uminglish na ang ka-Ovarrio kasi mukang inglisera at shala-shalahan si Maila.

Maila: Hi *Giggles*

Me: *Sa isip ko lang…* Parang may mali ata… Hmmm bakit ganun? Bakit ganito??? *Kamot-ulo.* May tanong sa aking isip…

(more…)

Deja Vu – Hada material daw?

It happened longggggg time ago but seems fresh to me (Hahaha, naman pinag-feeling nya kasi na napakaganda ko! At talagang feel ko ang long hair ko nawagayway pa ng mga sandaling iyon. That I stood out from the crowd. Leche!)

>>>Fast forward>>>

Naglalakad akong magisa (Tila kala mo naglalakad sa  buwan.) at nag wi-window shopping sa mall, aktually pasarado na ang mall ng mga sandaling iyan so pa-phasing-phasing na lang inyong lingkod trulala… I wasn’t born ready I guess, kasi naman laging caught off guard ang ateng! As in. Kainis.

Sa dakong paroon may babaeng sinisitsitan ako… (Kagandahan sya, Mediterranean ang chura.) Parang kalahi ng mga terrorista ganun bwahahaha, kulang na lang Burqa na tila mata na lang nya makikita mo… Buti na lang di sya naka-Burqa dahil di ko sya lalapitan, takot ako sa mga babaeng mata lang nakikita – feeling ko holdaper bwahahaha… As in.

Ako: Tingin sa kanya na may halong pagtataka at malaking ? mark sa ulo ko. (Ako ba talaga ang tinatawag nya? Syet ang ganda ko naman!!! Di ko naman sya kilala no. Ano to gusto ako hadahin?) Hahaha syet sa public restroom — ekkkkk at sa mall pa?  Tingin ulit sa kanya na tila nagtatanong kung ako nga ang kailangan nya, pero papunta na ako sa kanya palakad… (Namumula-mula na muka ko nitong mga sandaling ito *Nerbus ako eh* at pinagpapawisan ng malaming na malagkit-lagkit ang kili-kili ko, at feeling ko pa eh nakulot ang mga buhok ko sa ilong ng mga moments na iyon… Syet talaga!

(more…)

How the hell am going to impress my future boss???

OMG as in OO MAY GANUN! For the past 3 weeks I’ve been whoring myself all over the town while painting it pink! It’s just fair ha to get myself an interview! *Or else talagang iiyak na ako!*

The most critical part of job search is the interview portion! (Di pala yong grand finals at swim suit competition!) I thought I was born ready — syet di pala! Kasi yesterday I had an impromptu interview — pootah niratrat ako ng mga katanungan syet, as in ratrat as in sunod-sunod nagiisip pa lang ako ng sagot sa tanong may tanong na agad! ANO BA? Ni wala akong ka-alam alam sa pinapasukan ko bwahahaha *Sana naman di ako nag-ala Janina San Miguel* Hehehe… Nak-ng-poot.

Why should we hire you??? Magaling kasi ako mag exhibition! Ekkkkk, of course ayaw mo naman ang dating mo arrogante noh! Hmmm best way to answer this question is hmmm affirmative action po – I need to fill this/that positon kasi napansin ko noh wala pa po kayong asiaticang eksotikang minoridad sa inyong himpilan hahaha… My ethnicity, my sexual orientation, gender and plus my religion as in pagano kasi ako lol. So you have to hire me as in!

How do you respond in a constructive feedback? Ano daw??? Pwede bang pass – next question please! Hahaha… Well never had a constructive feedback – so I cannot answer this question! NEXT!

Tell me something about yourself? Hmmm ‘day kasya ba ang buo mong maghapon? Hahaha.

What can you do for us that someone else cant? Hmmm good question! Kaya ba nilang mag arico-mambo at macarena habang nag ta-tarbaho? If the answer is no – Then you should really hire moi!

Why you want to work for us? Cause you offer good benefits? Akkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk as in akkkk.  Sabi ko naman sa inyo honest ako! At kung ano ang kailangan mo marinig yon ang sasabihin ko! Syet!

NOTE: Aba dapat lang na nagtatanong ka din sa kanya – Dapat mutual parang street balikan mo din sya ng mga tanong!

Mam may I ask you a question? Anong oras po ang reccess? May I go out? Ekkkkkkkkkkk… Are we done?

Pasok na kaya ko sa Japan? As in JapanJapanJapan? So how soon can I start??? *HIK*

Don’t say bad words!

PUNYETA!!!

Bakit naman walang nag-warning sa akin na para palang tubig pala ang pera dito??? *Taken from Ate Vi’s dialogue in Anak.

Need travel tips? Dito ka na! Ika nga ni Tita Mega Shawie *Talagang trip kita, sakay na!*

Dami kong natutuhan sa bakasyon na ito, isa na dito ang…

MMNMKM – Hehehe for short ito ang ibig sabihin nyan Mahiyaing Makapal Na Manggagantso Kung Makakalusot! Leche flanggggganita madaming ganito sa Pinas kaya mag-ingat lang po mga kapwa turista – sumbong natin sila kay ‘Tulfo’!

Eksampol 1. I-tinoro kami ng tricycle driver ng half-day somewhere in Northern Luzon it’s a stop and go, stop and go, stop and go cheverlyn. Kasi nga pinasyalan namin lahat ng cave doon punyeta pare-parehas lang naman, although ka-enjoy naman, pero kung sasamantalahin ka di yan ka-enjoy ha! Tanungin nyo kung magkano ang damage sa tricycle on that stop and go x 10 lol charing mga 5 lang ata at half-day toro lang yan.

Tumataginting na 1,000 pesoses. (Taga diba? Sobra!) Hahahaha muntik na akong himatayin sa gulat sa laki ng damage ha. Taga kung taga! Anong kala nya sa akin walking US$? Porket alam nya na taga U$ ka, ganun? (FYI, di ko ni-re-release yang FAQ na yan. Hahaha di ko ipapahamak ang sarili ko ng ganun ha. It happened na pinsan nya sa kuko ang isa sa mga kakilala ko dito sa Ovarrio.)

Ang may sala sya din ang salarin!

img_0288.JPG

Tandaan ang plakang itechi agbayani kung ayaw mataga at maging victim! *Ouch!!!*

img_0289.JPG

Customer: Magkano po?

Driver: Ahhhh *Kamot-ulo* ahihihih…

Customer: Magkano nga ulit?

Driver: Ahhhhhiiiii (May kasamang hiya… With a smile ng aso.)

Customer: Magkano nga? Di ko kasi alam ang takbuhan dito…

Driver: Ahhhh… Hehehe… (May kasamang smile ~~~ at hanggang tengga sya!)

Customer: Baling ang atensyon sa isa sa mga kasamahan ng driver isa sa mga malayong kamaganak as in relathieves sya ng kakilala ko dito sa Ovarrio. (Isa ding mangangantso ang futah!)

Middle man: *Sabay senyas* Itinuro ang hintuturo *Sabay bulong ng* [Isang kiaw...] nahihiya kasi tong magsabi eh (Referring the driver…) *Sambit ng middle man.*

Customer: Bakit sya nahihiya? Anong dapat ikahiya? (Yan ang mga tanong ko sa sarili ko ng sandaling iyon…) Nakahubad ba sya? Umeebak ba sya sa plato nya? Kinakain nya ba sarili nyang ebak? Nanlake ang aking mga mata at di ko sure kung tama ba ang pagkakaintindi ko kasi nga lahat sila tila mahiyain pero nang-de-dengoy na. *Sa isip ko lang. * Isang daan ba o isang libo? Isang libo nga ata!!! E, hehehe kung ako man ang mamang driver, mahihiya din ako sa balat ko ang KAPAL!

Middle man: O kasama na din jan ang pamasko… (As in may hirit na ganun? As in close ba tayo??? Bakit may pamasko? Inaanak ba kita?)

Secret Service -At shempre Bentambling din si Jose C. Sison; Kapag May Katuwiran, Ipaglaban Mo!!!

Eksampol 1. Kumain kami sa Triple V as in doon sa Dad’s, Saisaki, Kamayan at Paahan leche! Di naman masarap syet ~~~ After kumain na sight nila atashi at watashi ang moist towelette. Eh di malamang saan pa ba yon para, diba? Di pinamunas na namin. Nang makita ang cheat mula sa waiter, laking gulat namin na may charge na 8.00Php – OMG as in Oo May Ganun talaga, as in gumaganun talaga! Chi-narge kami sa paggamit ng nasabing tuwalyalita. Hahaha, tinawag ang head waiter at tinanong ang nasabing hidden charge na itech…

Customer: Ano po tong 8.00Php na ito?

Waiter: Yong towelette po.

Customer: May charge pala sya? Di ko alam eh, sana diba nilagyan nyo na kapag ginamit may bayad!

Waiter: *Sabay kamot sa ulo sa baba, sabay inamoy pa. Hahaha.* Errrggg, pangit naman po na ilalagay namin na kapag ginamit nyo may charge.

Customer: Ahhh ganun ba? Kaya charge nyo na lang kami ng hindi namin alam? Di ba mas pangit yon?

Waiter: *Di naka-imik ang hamak na taga bigay ng secret service na ito.*Binura na lang nya ang walong piso sa cheatshit nya… Heheheh.

Hehehe, *Kamut ulo, sabay kagat-labi.* eh kung makakalusot – lulusot talaga… Pero di nakalusot ang nasabing restauran sa mga ellofanggang customer. Kaya sorry na lang! Sa uulitin… That is kung meron pa?

Kung ako naman sa Triple V, bakit di na lang sila maglagay ng X10 na Evat leche o service fee? May kagaguhan pang ganun? Ano ba? Imberna ha! Kahit hindi ka na-inom ng kape magkakaron ka ng kaba sa dibdib mo about that hidden charge. Hehehe buti 8.00Php pero paano nga kung mas mataas na sa 8.00Php ang hidden charge ng secret service na ito? Ahhh malamang baka mag-amok na ako doon sa Glorietta!

Negosyo – In your fez. Di na kailangan imemorice iyan.

Eksampol 1. Upon arrival in Caticlan (Well I got the prepaid boat and land transfers roundtrip, para wala nang aberya!) We was picked up by someone from Boracay Tropics, he got our luggages from Caticlan and transfered it to the tricycle. He came with us from the airport to the jetty port at ang hitad na ito di man lang nagpaalam basta na lang ibinigay ang bagahe sa isa sa mga porter para isakay sa bangka… Laking gulat namin ng sinisilgil na kami ng porter, bayad daw namin pagpapabuhat ng bagahe? Huh? Ako nagpabuhat sayo? Kelan? Ang gagung taga Boracay Tropics ibinigay pala sa porter – gagu! Syet di naman kasalanan ng porter yon, pero sasabihin ko sana eh di yong taga Boracay Tropics ang singilin mo! Huwag ako lol. dahil binigyan ko na sya… NAKAKAIRITA yong pagpapasa-pasahan ang bag mo, negosyo sobra… Dami kailangan bigyan ng TIP yong nagbuhat sayo originally tapos bibigyan mo pa yong inutusan nila tapos yong inutusan nila may inutusan din lecheng NEGOSYO yan o!

Expectant – Parang buntis korak as in expectant mothers lols. As in di ka nila lulubayan hanggat di mo sila na aambunan ng tippanya! PSBNASPa Simpleng Bulok Naman Ang Style aksaktimo!!! Nakakainis sobra.

Eksampol 1. At bakit nga naman ako magbibigay ng TIP sayo? May hiningi ba akong serbisyo mo? Binuhat mo ba mga bagahe ko? Kung hindi lahat ang sagot dito – then no TIP! Asa ka pa! (Ang nakakainis dito nangunguna pa sayo, diba? Pinangungunahan ka na di ako aalis sa muka mo *As in inyourfez!* Kung di ka maglalabas ng andalucia jan! Di nya verbally na sinabi yan. Pero SYET-SYET-SYET Elvie (Tago na lang natin sya sa kanyang tunay na pangalan shhhhsss…. Bwahaha… Tandaan si Diwa kapag inurat, mas murat pa sa urat!) denelayed nya kami sa pag alis sa Norte para ano? Makalibre ng pasahi pa-Maynila pwe what-not! Asar ha! Gusto mo pala ng andalucia eh gusto mo pala ng PAMASKO daming pasikot sikot di derechahan – ayan diyan na nalabas ang MAHIYAIN PERO MAKAPAL NAMAN PALA… Gush Abelgush! As in ayaw nya kami paalisin – alis na alis na kami no, as in gusto nya sya masunod at magplano sa bakasyon namin doon as in doon sa Norte, denelay nya kami ng denelay yon lang pala ang pakay – di na lang nagsabi… Dami pasikot-sikot! Paikot-ikot sobra… Isa lang pala pakay! Asan na ang BAYANIHAN? Que barbaridad!!!

Pootah ka kusa kang sinamahan kami kala namin for the goodness of your heart pero pailalim ka leche! Mas nag enjoy ka pa nga sa mga caves at pasyal-pasyal. Libre lahat ang entrance mo then ganun pa gagawin mo? Gagu! (Wala naman kasing gaguhan, kung nagpakaayos sana sya na di parang Kapal Muks baka may konsederasyon pa.) At hindi ako nanunumbat na kesyo-kesyo. Asar na lang.

Note from the blahgah: Objective of this entry is to inform all bakasyonista, turista, parlorista, elitista, sabunggera eklachuchu – yo no soy marinero; mechado-menudo-afritada. Whom in the future might plan to be on the same situation. *Thehehe, talagang i-pli-nano bang madengoy ka no?*

And to partially end this entry I will leave you all (Yong 6 na readers ko; which includes me.) This, ~~~Ang magnanakaw, galit sa kapwa nya! Kung may nagpapaloko, naturalmente may manloloko.

Bwahahaha…

Ito pala ang mas matindi —- Mahiyain pala ako. As in mahiyain! Nahihiya ako manabla o diba, yan pala yong natatago kong ka-baitan syet! Mahirap kasi minsan yong ang daming kesyo-kesyo kiaw-kiaw so para walang usap i-give in ko na, kahit ayaw ko; sige na nga eto na, pero MALI – at ang isang kamalian ay di matutuwid ng isa pang ka-malian ~~~ Iboto nyo po ako running for first lady! Syet…

Lastly but surely maginat lagi sa mga mapagsamantala kaya ang i-press release OFW ka! Pasok yan sa banga. *Kaka press release ko na OFW ako, ayun pinaalis naman ako sa pool sa Cebu, kasi naka long eslebs ako! Hmmm bakit yong Koreana di nila pinaalis? Naka maong at long eslebs din naman sya ah?* Eh bakit ba walang pakialaman – ayaw ko umitim no, kaya kanyang trip lang yan! Ibang klase no? Gets nyo ka-Ovarrio??? So saan ba ako talaga lulugar??? Dito ba??? O dito ba? O ditoooooo ba???

Ob kors may follow up itechi agbayani! ABANGAN… Heheh di pa ako inaatake sa puso, all is well, minsan nakakainis lang dami kailangan lagyan at padulasan… This is my second trip to the Philippines, kala ko noong una ko pwede ko palusutin, dala na din ng pagka hilo (18 hours kaya byahe? Lol.) pero ganun ata na talaga mga Pilipino ngayon… Tsk, sayang… Asan na yong mabuting loob ng mga Pilipino? Yong kusa? Yong kultura??? Asan na sila??? *Drinks my Lipitor…*

Jericho

img_0314.JPG

img_0316.JPG

(more…)

HOMO Improvement!

OMG! Sa wakas ha, naka kuha na din kami ng aming last renter (Pang 15 ulo, na nakaukupa sa 2 bedroom ekkk ekkk luxury apartment ditech sa cuidad!) Shifting nga ang pagtulog diba??? Hahaha luxury apartment ek-ek na panay tarima na double deckers lol!

Kaya naman mga ka-Ovarrio ang ateng nyo improving na – may internet connection na sa wakas, naka-afford na din!

untitled3.JPG

(Ekkkkkkkkkkkkkkkkkk ackkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk at isa pang matinding ekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk from the top of my lungs!) Naka pc na lang? Ang cheaaaaaaaappppweee!

Ito muna ang update for now kasi GTG na dahil may nakatok  — baka potential bed spacer ampootah hehehe. Bablich!

Diwata in daring moments: Time space warp ngayon din!!!

Cast of Characters

Shaider – Ako yan! Equipped with my special moves at shempre may babylos din ako at blue hawk na motorsiklo, na maasahan sa oras ng pangangailangan – mga oras na sasambitin ni IDA ang mga katagang ANG TIME SPACE WARP NGAYON DIN *May puot sa kanyang boses.*

Annie – Yong babaeng kala mo eh kandita si Cory Aquino, lagi ding naka-dilaw? At pag nasipa na sya ampootah talaga namang napaka kinish *WINK-WINK-WINK* alam nyo na (May lambing sa dulo~~~)

Fu-ma Ley-ar – Yong isang lola sa BH na nagpaligo kay Annie. (Just like Fu-ma Ley-ar, panay muka lang din sya, laki kasi ng muka parang monay walang katawan! Hahaha (Syet, ang sama!) Hahaha.

IDA – Yan yong mga lola sa BH oo as in sa Batis Hane, na nagpaligo sa amin.

TIME SPACE WARP NGAYON DIN!

(more…)

Seeing things in black and white: Because sometimes the world looks far better in black and white…

Everything isn’t black or white “daw”… There is gray, but me no likey-likey gray!

img_0081.JPG

Oftentimes I see things the way I want to see them, rather the way they really are.

Hindi ba mas madaling makita ang itim at puti? It’s sooooo easy, kapag may ibang kulay na masyado nang komplikado putris! Most especially if you can’t distinguish the difference of black and blue, red and orange , blue and green putaragis na buhay yan o. (May LD?)

Lately all I been seeing is just black! Pucha… Ang dilim! *Kapa-kapa, ohhh ditoooo bahhh?*

(more…)

Gheysha Diaries: It’s a ghey, ghey, gheyyyy world after all

p.JPG

(more…)

Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers