
labandera, notary public atbp…
Sa hirap ng buhay ngayon - Kelangan rumaket… I am for hire! Kumakain din po ako ng apoy at hindi ko na uulitin, magaling ako mag thumbling sabay split!
The other day a friend asked for a favor [Ika 3rd monthsari daw kasi nila ng jowa nya.] or should I say, hiningi nya ang serbisyo ko na mala (Wish ko lang.) hehehe… I was given a set budget - basta ang sabi nya ikaw na ang bahala, gawin mo kung anong makakaya mo, etong $200 for everything, kung may sukli sayo na lang. So I did what I have to do, hinalungkat ko sa baul ko ang mga sperma na ginamit ko sa sementeryo noong nakaraang undas aromatheraphy candles ko, ang mga vase at kung ano-ano pang ek-ek, promise saganghamidabo lahat ito for just under $30 (Kinabog ang $40 a day ni Rachel Ray!!!) Ginamit ko yong aking discount card - Kasi nga kapag naka 10 check-in ka na libre na ang isa diba? Hahahaha… Syet!
Salamat sa general dollar store at sa produce junction!!! (If not with them, all these won’t be possible.) Di ko na nagawa yong ice carving eh *Sabay snap ng fingers.* At fruit basket eh although I made strawberries covered with choclit.
Ma moist-moist pa o diba?
I was really in a hurry talaga, kasi on the way na yong mag jowa at kelangan ko ng sumibat, dito daw kasi gagawin yong dessert? Thehehehe baka mapagkamalan pa akong stripper ekkkkk, bawal ang double dipping in Tagalong bawal balik sawsaw.
Kaya naman ang mga pix patalbog-talbog, sorry… But I tried my best to capture the highlight.
Bed of roses and candles ang theme… *Obviously.* Shhhhh, may isinama akong 3 thorns bwahahaha, sinabotahe ko!
O diba? If it’s from mattress giant, it must be good! Lol. *Basta may budget, possible!* Yeeeyyyyy $170 ang kinita ko dito.
3 for i love you? Ngek. 3 for 3 months na kayong nag-gagaguhan! [BITTER!!!] mawawala din kayo - HAHAHA, akin ang huling halakhak… I give these lovebirds another 2, as in 2 more weeks, bwehehehehe…
Feeling romantic ako as of the moment kaya I will end this post with,
This are your dreams lying right in the palm of my hand.
Popularity: 12% [?]
























November 22nd, 2009 at 3:48 pm
ANONG KAARTEHAN TO! OMG SIGURO YONG TAGA LINIS NG PLACE NITO SINUMPA KA AFTER DAHIL SA KALAT MU BWAHAHA!!! PARANG NAKITA KO NA TONG DESIGN NA TOO. ARE YOU ONE OF THE EMPLOYEES OF GETLAID.COM???
November 22nd, 2009 at 5:08 pm
Avahhhhhhhh… bonga…. parang kilala ko kung sino yung kulubot na kamay… Buti hindi tumunog yung smoke detector sa ding ding.
balita ko.. mag M.U. na yung friend mo…
Talandiri kang bakla ka…
Wag ka nang pa-suspense!!!!
I’m so happy for your friend… LETSE… susuka muna ako sa gilid…
LOL
November 22nd, 2009 at 7:09 pm
Sinasabi ko na nga ba eh… ehemmmm… sino kaya ang nag-check in… at sino kaya ang kasama…
Mai-blind item nga sa blog ko.. mukhang kilala ko eh…
chuva’s last blog post..Not another Twilight New Moon Sneak Peek? Think again!
November 22nd, 2009 at 9:31 pm
@Bwahahaha hire me, hire me!!!
@Speak muntik nang magkasunog as in ang tagal kasi nilang pumanik, imagine tea candle ang nasa kama eh ang bilis kayang maubos non? Mag Un sila 3 months ago lol.
@Chuva kilala mo!!! as in! Bweheheheheh, hulaan mo…