
Impromptu: Trial and Error…
Since Pinay BIG Sister “Ate” [Nasa La Germania - Nagpapakasawa sa malalaki at masasarap Wiener at Bratwurst.] is not here, I am the acting “Ate” sa bahay ni BIG sister. Lahat ng task ako ang nagpapatupad ngayon - paglilinis ng bahay ni ate, pagdidilig ng mga halaman ni ate, pagbubukas ng mga bills ni ate, hindi pagpapasok ng kung “sino” man sa kwarto ni ate at higit sa lahat ang pagpapatuloy ng training ni Jake ang aming housedawg.
Ang nakaraan sa bahay ni BIG sister…
Working from home po ang ating housemaid noong mga nakaraang araw, yours trulili… Nilinis kong mabuti ang aming kitchen, kung saan naglalagi ang ating housedawg na si Jake. (Shempre, diba kaka groom lang nya? Kaya deserving naman siguro sya sa malinis na sub-domain?) Domain nya eh yong crate…
Baby pa lang ang aming dominant alpha female/male housedawg kaya naman hindi pa ito masyadong potty trained. (Ayan sya after ng super-extreme-mega-over makeover.)
Madalas naaawa ako kay Jake, makita ko pa lang ang kanyang mga mata… Ewan ko ba!!! There’s really something about this dawg na kahit na madalas pasaway at nagaaway kaming mag Auntie eh hindi pa din ako talagang tuluyang magawang magalit sa kanya… (Marunong syang magpaawa, pramis!) DD nga tawag namin jan eh, as in DevilDawg hahaha… (Napakagaling po nyang asong yan… SA KALOKOHAN SOBRA!!!)
Dahil nga naaawa na ako sa kanya… Binigyan ko sya ng isang impromptu na pagsubok kanina… Nilakihan ko ang domain nya, binigyan ko sya ng authority na makawala for all she wants habang akoy nagpapakakuba sa paghahanap-buhay… (Sabi ko sa aking sarili, pag napasa nya ang pag subok na ito, upgrade sya 2 levels up na agad sya, means lalawak na domain nya…)
Ayan, iniwan ko syang prente jan kaninang 8:30am…
Pagkalipas ng 8 oras…
*Dahan-dahan pumasok ng pinto ang inyong not-so-BIG-sister, sinilip si Jake - kung may wiwi o truffles na nakalat sa lapag.*
Aba walang truffles! Magaling!!! Mukang ma-u-upgrade ka na Jake!!! *Smiling with big grin.* Ng biglang akoy nadulas… Ekkkkk nagkalat ang ihiiiiiiiiii EKKKKKKKK…. *BALIK KA SA CRATE!!!!!*
Popularity: 38% [?]

















June 14th, 2008 at 11:04 pm
ang kyuttt talaga ni jake! honga kakawa nga tingna ang mata nya… ekkkk baket me blackeye syaaaa, baket mo sinapok umihi lang eh!!!!
**dialing chuva’s number** - chuva minmaltrato ang anak mo!!!!!!
pusa’s last blog post..insecure me
June 15th, 2008 at 1:04 am
mana sa auntie! hmmm maybe not baka sa uncle hahaha
June 15th, 2008 at 3:23 am
omg!!!!!! iba na ang hitsura ni jake!!!!!!! salamat diwa sa pagdala sa groomer… at least ngayon, puede mo na siyang itabi sa kama… hahaha!!
pusa - - nakow, totoo yan - - magka-away yang dalawang yan sa umaga…pero lab nila each other… love-hate relationship ng chiminiaa ko at ng anak ko…
*baka nakalimutan na ko ni jake?*
chuva’s last blog post..Gabby Concepcion wants to begin movie with GMA Films so he can start film with Star Cinema
June 15th, 2008 at 5:53 am
ekkkkkk - kaya ayaw ko ng dawg sa balay e, ayaw kong dumampot ng eeeekkk
kengkay’s last blog post..Tatay