More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Hanggang Kailan?

Kita iintindihin at mamahalin? Hanggang mapagod na lang ba ang puso ko?

Ang nakaraan…

Noong Sabado ng gabi, ang isang maliit na pagtatalo ay nahantong sa sapakan. Hindi ko inaasahan na aabot na kami sa ganitong sitwasyon, ang magkasakitan ng pisikal. Masakit sa akin, ang masapak ng mahal ko ang gawin nya sa akin ang ganoong bagay, dahil ako hindi ko kayang saktan mapa-pisikal o emosyonal ang taong mahalaga sa akin. [Let alone physical pain… Yong emosyonal na lang diba? Yong mga salita na lang na nabitiwan.]

Galit na galit ang pakiramdam nya sa akin ng gabing iyon, na kala mo’y napakalaki ng nagawa kong kasalanan. Masama bang magselos? Pero ang aming maliit na pagtatalo ay hindi dahil sa selos na iyon kung di dahil sa isang salita o bagay na nasabi nya at pilit ko syang gustong ipaliwanag sa akin, nang bigla na lang syang naghumiyaw na kala mo eh hinila ang T… Tenga ho lol. *nanahimik ako sa aking asar, ang kending kinakain ko… kinain at pilit kong inilagay sa aking bibig at itinapon ang balat sa kalye…] Alam kong ayaw nya yan, at isa yan sa mga pangaasar ko sa kanya.

Ng bigla syang magpasyang uuwi na daw sya at maiwan akong magisa. Ipinilit ko ang gusto kong makapiling sya at hindi sya pauwiin. Sa kagustuhan kong iyon at pagpipigil sa kanya. Sapak ang inabot ko. [Isang suntok sa ulo, at isang suntok sa may kilay.] Hindi pa din papigil ang lola ko, at patuloy pa din ako sa pagkalma sa kanya at pagpigil. Nang maabutan na naman ako ng [Isa sa dibdib at isa sa braso.] Masakit ang gawan ka ng ganito. Dahil sa tanda kong ito, sa mga dati kong napagdaanan ni isa walang nakasakit at wala akong nasaktan.

Wala akong magawa kungdi tangapin ang mga pananakit na iyon at iiyak sya pagkatapos. [Bakit ko pinababayaan ang sarili ko sa ganitong relasyon, ano ba talagang gusto ko?] Sabihin ko mang okay na ako at wala ng sakit eh ako’y isang sinungaling! Dahil masakit sya… Masakit ang mga salita at sabayan pa ng pisikal. Wala man akong pasa o galos sa katawan ko, pero sa loob ko meron. Tanga ba ako? Bakit ko ito pinababayan na mangyari sa akin? Pagmamahal pa ba ito? Hindi ko alam…

Siguro nga martir ako at tanga, dahil andito pa din ako pagkatapos ng mga pangaalispustang iyan. Iintayin ko na lang sigurong mapagod at magsawa ako at mawalan ng pakiramdam, hanggang masabi ko ang mga katagang ayaw ko na talaga… Sa Iyo!

Galit ako, dahil hindi man lang nya ako bigyan ng kahihiyan, sa kasama ko dito sa bahay at sa mga kapitbahay namin. Hindi naman ako nakatira sa deaf and mute community eh. Para hindi marinig ang mga sigaw nya noong sandaling iyon, na kala mo eh sya ang inaagrabyado. Ayaw ko ng eskandalo sa totoo lang. Pero tila ata ang jowa ko eh isang botangera! Wala na akong pakialam kung may hiya man sya sa akin o wala. Sa kasama ko na lang at mga kapitbahay namin, hindi naman mala mansyon ang bahay namin dito at ektarya-ektarya ang pagitan ng bawat bahay eh. Kaya ano mang ingay rinig na rinig. At hindi naman sya dapit-hapon nangyari halos madaling araw na din naman.

(Medyo nakaganti ako noong Linggo ng umaga. Sinabunutan ko at tinampal ko. Pabiro pero nilakasan ko. Paano ba naman, umaabuso na sya no, sinakal pa nya ako mga 5 minutes right after ko magising.) Diba nga ang kasabihan, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising! But that will never be enough, kahit pa gumanti at nakaganti ako… It’ll never be enough, ang sakit na aking nadarama ay hindi magbabago… Magpakailanman.

Popularity: 4% [?]

2 Responses to “Hanggang Kailan?”

  1. pazing Says:

    diwa, nakakalongkot naman ang kwento mo, pero nahaluan mo pa rin ng katatawanan. lol
    alam mo, layasan mo na yan! taralets dito! tayu na lang dalawa. hehehehe

  2. diwata Says:

    alam ko may potensyal ka ding maging pisikal ayaw ko sayo!!! ayaw ko ng sinasadista ako. gusto ko minamahal ako at iginagalang! TANDAAN MO YAN, kapag kaya mo yan, chaka mo ako yayaing makipagtanan sayo!

    opcors pazing kahit masakit, minsan kailangan haluan ng konting biru, para di gaanong kakirot pag isinasalaysay mo na.

    ayaw ko magsalita ng tapos sabay ayan na naman ako. ewan ko ba bakit ako nagkakaganito jan sa babaeng yan, malamang ginayuma ako nyan eh. isa syang mangkukulam!

Leave a Reply

Subscribe to Comments?


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

RECENTPOSTS

RECENTCOMMENTS

MOSTCOMMENTS


www.e-referrer.com



MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers