More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Archive: March 2007

Weee it’s almost summer already.

Oh my gawd, I so cun’t believe it! It was so effin’ hot today. It’s about 80 degrees, and the thing is it’s not summer yet! I heat it… Ask me why? %)(%$!*&^$# Naman! Jina-Jabar ako! [My under arms are really sweatin’… Like the famous basketball star… You know Abdul Kareem Jabar.]

I can’t wait for summer! [Masusuot ko na din yong bathing suot ko! Weeee.] *Yong band aid at yong bao!*

Summer is ready for me. Question ei Am i ready for summer? HINDI! Naman i just back to my normal life last Monday. After 1 and half month of rest *Lamunation, Puyatation at Tamadation kumilos at tangalin ang mga natutulog na tabaaaa! Dahil sa katimangan sa pag-bla-blog. [Ngayon timang na timang ako kaka work-out dahil na nga sa nalalapit na tag-araw. Shempre dapat muganda ako sa summer noh!]

Endless bilaran sa tag-araw to! Habang nainom ng ice cold Kulafu! [This is it] *Todo na ito!* . There’s nothing better than this!

I actually like warm weather! Just no-no-no to 80 degrees and higher!!! *Di pa man ako nakakapunta sa Imperno eh na-fil ko na kung paano sya ngarks! Alam ko na ang pakiramdam noH! Ayaw ko yan, ayaw kong parang sinisilaban ako at ayaw ko ding manuyot pleaze!*


Popularity: 93% [?]

Am turning 23 years old in a few days!

I was so effin‘ bored tha otha day… So bored that if boredom can kill ya, i would be dead! So i decided to do sumpthin‘ productive. Here is my to do list…

Since my budget is soooo tight i couldn’t even buy a decent pen! [To be specific i like copic pens which is $5.00++ a piece. And one pen is never gonna be enough, since since i was born poor, all i can afford is a panda ball pen arg!]

So lemme translate this then.

Oh, I can’t wait for SPRING

let alone Summer!
Things to do after the age of 22… (2 more days to go…)
1. Finish all 18 sessions of photo workshop. (classes)– All right, starts in April
2. FINISH all my “Pending Projects.”– When it gets warmer… ninuninuninuninuni
3. Find myself a girltoy.– Hmmm, ehemermahh… *Speechless…*
4. LEARN PATIENCE!!! (A MUST)– ASAP!LOL
5. Study French. [Ugh!]– Currently i am still studying English and Tagalog. *I haven’t mastered this two yet!* So let alone Francais! [He… he… he…] I know it’s gonna be fun thou… So be it! I already knew a few words… Like [Boner-Jour Mademoiselle!] [Oui-Oui Ti ties!] — See i am not that bad for a beginner right?
6. Eat less/Exercise more!– Since i started blogging which is over a month already. I’ve been eating more and working-out less! Lol. Soon-soon-soon-soon maybe right after my intervention i’ll be on the effin‘ track again.
7. Capture more photos of homeless people.– Ohh exciting!
8. Have a liposuction. (He… he… he…)– I’ll go to THAILAND to do this, and also the FTM/MTF transition he he he… *Wish me luck!*
9. Find more clients.– Wot is word of mouth?
10. Drink more, eat less.– DRINK MORE… DRINK MORE… *I’ll be drowning my sorrows.*
11. FIND MYSELF A–
12. FIND MYSELF A GIRL TOY
13. FIND MYSELF A GIRL TOY
14. FIND MYSELF A GIRL TOY
15. FIND MYSELF A GIRL TOY
16. FIND MYSELF A GIRL TOY
17. FIND MYSELF A GIRL TOY
18 FIND MYSELF A GIRL TOY
19. FIND MYSELF A GIRL TOY
LOL
20. Continue learning….

Popularity: 92% [?]

NOTHING BUT,

While stalking Reyna Elena, i saw this…

Popularity: 92% [?]

Wish List Updated!

Mahilig ako sa camera, aktuali hindi mahilig addict ako! Kahit na anong camera pa yan papatulan ko! Lahat gusto kong ariin Polaroid, SLR, TLR at akung anu-ano pang may LR sa hulihan. [Sa sabado makapag-hanap nga sa Goodwill o kaya sa mga Yard sales.]
Hindi naman ako mahirap paligayahin eh. Ibili mo ako ng sop-drink masayan na ako.
Nang una kong inilabas ang aking wish list katakot-takot na panlalait ang nakuha ko, kaya eto ina-update ko lang.
Kahit ata tong diposable camera hindi ko matitikman sa nalalapit kong kaarawan. Waahhh. [Hindi ka super-star para may makaalala ng buday mo!–Sunyi]
eto na naman ako para manlait!!! Hoooyyyyyy, ang mamahal ng wish list mo! Ano ka, sinuswerte? padalhan kita ng disposabel kodak sa december pero pengeng pang postage and handling, hehehehehe.galing ng blog mo tsong!Kutz — Aantabayanan ko yan ha!

Popularity: 93% [?]

Party, Party, Party

Since i am talking about party on my last entry… My birthday is fast approaching! [Sa December! And no i am no Sagittarius! Gemini po ako!] I am turning 23 years old in a few days… Yeah 23! You got it! That’s my age, not my waitsline you silly whores! he he he *Ehem pwede din.*

I was once 19, 20, 21… I wish i could turn back time and be 19 again. *An sarap kaya ng feeling ng bata ka! Mas madaming naghahangad sayo. Mas kaya mong rumachada ng kalikawt’kanan oo lagare. Mas madali mong magawa ang gusto mong gawin since bata ka, alam nyo yon mas madami kang energy, sabi nga ni Kuya Germs walang tulugan kayang-kaya yan!

Samantala ngayon hindi ko na kayang lumagare, kung lalabas man ako sa gabi once a week na lang minsan hindi pa. Di gaya dati kahit gabi-gabi ang rampage ko okay lang.

At ngayon nakain na din ako ng Viactiv. *Haay, sign ba talaga yan na mutanda na ako?*

Mukang wala ata akong Surprise Party ngayon ah. Walang nakaka-alala sa akin. Ni wala man lang nagya-yaya. *Inis na inis na nag-sa-salitype.*

Kelangan ko pa bang tawagan lahat ng relathieves at kaibigan ko para ipa-alala sa kanila na kaarawan ko? Kelangan pa ba? Diba dapat alam na nila yon? Muka kasing nalimot na ako. *Nang-ngi-ngilid nilid an luha.*

May maka-alala o wala, Y’all are invited to my PARTY! Come one… Come all.

Yes, I am gonna have a PARTY! I am gonna throw myself a PARTY that you’ll never gonna forget! I know fo’sho it’s gonna be the PARTY of all PARTIES! *Mamatay kayo sa inget!*

Please come to my PITY PARTY! No need to bring anything! Everything will be provided by the CELEBRATOR. [No otha than me. Wala akong paki kung may word na celebrator o wala. Kung ano man ang meaning nya. Gets nyo na yon! Wag nyo akong laitin sa sarili kong bahay! Bukod don kaarawan ko, kaya pagbigyan nyo AKO!] You don’t wanna miss this out! There’s gonna be alot of Whine and cheesses’es.

See yah bitches!

Popularity: 93% [?]

It’s…

Party Time!!!

It’s my weekend on sa amo kong si Chuva. Pero wala sya, may lakad at hindi uuwi ng bahay. Hanggang Domingo. (Wala akong bantay, and IT’S PARTY TIME! Yeba!) Shempre kapag wala ang pusa masaya ang daga! *Halungkat sa cabinet… Okay buti na lang naiwan ko dito ang aking bulletproof vest!!! Baka may mag drive by eh…*

Diwa: Hhhhaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyy *Buntong hininga na talaga namang bored-na-bored!* [Looking at my cellpowns directory… Sino kayang matatawagan? Umm…] Dialing… Tameka’s number… Ei! Wassup girl! Wachu doin‘?

Tameka: Yo, yo, sup’ homie! Haven’t heard from yah for a long time.

Diwa: You kno’ my ass been busy yo! Ya mean? Do yah wanna hung-out tonight? *With a gangsta accent!*

Tameka: Busee mah a$$! Whassdadillo? [ Busy my ass! What’s the deal yo!?]

Diwa: Nuthin’ i’ve said i was bored and i was thinkin’ if you’s wanna hung-out? You can bring your girlfriends… Monique, Kiki, Rhonda, Shaniqua, Tanzania, Mozambique, Zaire… Oh by the way… I heard your brotha was released the otha day? Is dut rite? He can come too, if he wants!

Tameka: WORD! Ahhh fo’real you was bored? Das why you called?

Diwa: Just come plueaze… You still kno’ the place aight? It’s SANDRA RD! I have alot of booze owkay!

Tameka: Aight… Aight… Aight… Aight! Later!

[Ganito ang gawain ko kapag wala si Chuva sa balay nya, at weekend on ko sa kanya!]

i will paint her house red!


Popularity: 93% [?]

Ang Lola ko

Hay nako pagod na pagod, stress na stress ang lola nyo nitong mga nakaraang araw! [Dalawa sa mga Nurse’s kong costumer kung makatawad naman! Kung sino pa ang malakas kumita yon pa ang makunat!]

Kagabi halos alas 12 ng hating-gabi na ako nakauwi.
Mula sa tarbahu, dumerecho na agad ako Ospital para dalawin ang Lola ko.
Kulang-kulang mag ala siete ng nakadating ako ng Ospital. [Umaasang tapos na ang procedure nya.]

Oo tapos nang gawin ang kanang paa, at sisimulan pa lang kaliwang paa. [Eh kelangan daw may relathieves sa letcheng waiting room ng surgery chuvalei!] Nagsimula silang maggawan ng paa ng mga bandang alas tres ng hapon. *Hindi pa man din ako nakakain ng hapunan. Gutom na gutom ako. Halos maubos na barya ko sa buset na pagkamahal-mahal ng tinda ng vending machine doon.]

Buti na lang may mga kilala akong Penoy sa Lab ng Hematology. *Nakikain ako ng dinuguan at ng adobo.* [Sabi ng isang Med.Tech pupunta daw sya muna sa Morgue para kunin yong putol na paa… Nagulantang ako… Baka kako sa Lola ko iyon… Nagbalik ang Med.Tech di daw sa Lola ko yon… Nyeta! Sana kanya na lang lol]

Pumanik na ako sa kwarto kung saan sya ilalagay. [May mga isang oras pa din ako naghintay doon. Waaahhh, buti na lang may R.N. na cute dahil kung hindi mag-aamok na talaga ako.]

Takang-taka lang ako kung bakit napaka tagal ng kanyang procedure… [Sana isinama na yong dila at bibig… Sana naisipan nilang iklian yong dila at tahiin ng mabuti yong bibig… He he he… Don’t get me wrong, I love my lola to death! As in… Gusto ko syang patayin! LOL.]

Nakita ko na Lola ko sa wakas. *Okay naman siguro ang operasyon. Nahinga pa sya eh. Groggy nga lang.* Binati ko… Nagbigay galang ako… Pero hilo eh… Sabi sya ng sabi ng heavy na animo naghihingalo sa pagbangit ng mga katagang ito habang di maipinta ang muka nya. Sana lagi syang ganito, ganito katahimik *Inasar-asar ko na nga since alam kong hindi sya makakaalma… LOLA HI… IT’S A BOY! AKIN ANG BATIK HA! [Natawa ako sa loob ko. Meron kasi syang blooper na biglang nag Flash sa utak ko… I WILL COLAPSE! Mga 2 years ago, naoperahan din sya noon sa sakit walang masabi kung di i will colapse sa Doktor.]

Malakas pa ang Lola ko. Yon nga lang hirap na maglakad. Malakas sya! Malakas pa ang bibig sa pag talak. He he he…

Popularity: 92% [?]

One glance… (Last nite)

I believe it can happen. It’s that moment when your breath is taken away. It’s the beginning, and sometimes, it is also the end. *H-ha-haa-aaaaayyy* [A verryyy looonngg sigh…]

Last night… I was DUI [Dialing Under the Influence]

I called Kori…

Diwa: Do you believe in reincarnation?

Kori: You mean past lives?

Diwa: Yeah! You know when you’ve just met someone and for some reasons you just kind of clicked? I think i have known you before! I just have to remember when and where… [Silently Thinkin’.] *After i met you i suddenly realized that i am whole.*

Kori: Listening…

Diwa: Do you believe in love at first sight?

Kori: Yeah, well it saves time!

Diwa: No! For real? That you could meet someone… Or just somebody i dunno from the park, and with that one glance you could look in their eyes and see their soul. Do you believe that could happen?

Kori: No! Absolutely not. And you?

Diwa: No. Me neither!

Later f*kers!
*Pati sa panaginop tablado ako!*

Popularity: 94% [?]

What happend to me yesterday.

Tapos na ang maliligayang araw ko. Balik na ulit sa tarbahu. *DABOG&%%#@%%OBLAG^%^#$@$%

Naisipan kong yayain si Doreen mag-lunch kahapon after work sa Ciudad. At shempre sya ang taya. Tutal Ritz naman sya eh. Madalas nag rereklamo na yang si Doreen kakapakain sa akin.

Kung may kanang-kamay na tinatawag… Ako siguro ang kanang pisngi… Kanang pisngi ng (pekpek) nya.

[Mga scenario namin]

Nong isang araw… Nag-ring ang phone… Bandang 9:45am

Doreen: Asan ka na? Gusto mo ba ng kape? *Aktuali araw-araw ganyan sya.*

Diwa: Sige. Salamat!

[Nasa tarbahu na]

Doreen: Eto nang kape mo! Mag-iinit ako ng pandesal gusto mo ba?

Diwa: Sige. Salamat!

Natapos nang mainit ang pandesal…

Doreen: Eto nang pandesal mo Senyora! May taga-init kapa! *Pa-taray na sabi nya.*

Diwa: Sige. Salamat! *May bisita ata sya ngayon? After 10 years dinantnan na? Ha ha ha*

Kinabukasan same scenario na naman kami.

Blahblahblahblahblah…

Doreen: Gusto mo ba ng tinapay? Magiinit kasi ako eh.

Diwa: Di bale na lang! Baka sabihin mo na-naman eh inaalipin kita! *Pa konsensyang tono.*

Doreen: Eh kasi magiinit din ako, para isang initan na lang! *Pa-taray na naman nyang sabo.*

Diwa: *Dedma… Pasok sa kanan.. Labas sa kaliwa.*

Biruin nyo. Breakfast libre. Lunch libre. Dinner libre. Yan ang buhay namin ni Doreen. Kaya pag na-ngayayat ako, ibig sabihin non eh war kami ni Doreen.

Matagal nang pinipilit ni Chuva na besfrens daw kami nyang si Doreen. Ako naman panay hindi noh! Kasi kung besfrens kami, eh di sana alam nya mga pinag-GAGA-gawa ko?

Pero naisip-isip ko hmmm… Oo besfrens nga kami.

Ang sikret…

Doreen: May pwet na ba ako sa suot ko?

Diwa: Naman! Tinatanong pa ba yon? Bootylicius ka no! *Tulo laway habang nakatingin sa kanya… Na naikot pa ang mata na kala mo na u-ulol.*

Doreen: Muganda ba ko?

Diwa: Ganda mo! Muhal kita! Kain tayo!

Habang nakain kami pinaalala ni Doreen na mulapit na kaarawan ko. Sa Disyembre. *(^%^&#$%@$%*

Doreen: Saan tayo sa buday mo?

Diwa: Ewan ko. Wa ako angielu! Sa balay lang ako magmumokmok. *Pa-awa kong sabi sa kanya.* Sana pala sa Penang na lang tayo kumain ngayon. Sawa na ako sa Pho eh. *Pa reklamo kong sabi.*

Doreen: Labas tayo! Libre kita sa Penang. *Na-awang sabi nya.*

Diwa: TALAGA? I Lab U! Pwede magsama? Isa lang naman sasama ko eh. *Eksayted*

Doreen: Di ka makapal! Ipapakilala mo na sa akin Kasintahan mo?

Diwa: *Dedma lang ako sa tanong na kasintahan.* Ganda ng suot mo ngayon. Blue-ming ka. Mukang magka sing edad lang tayo! Isa lang sasama ko! Isang dosena! *Natatawang sabi ko sa kanya.*

Natapos na kaming kumain… Naghiwalay na kami ng landas… Lumakad sya ng kanya… Lumakad ako ng akin. *Alangan naman isama ko sya sa mga pag-GAGA-gawin ko?*

Noong kasi ang gawain ko bago ako ma hook sa photography, eh nag gra-graffiti ako! *Alangan naman isama ko sya jan? Sa bagal nyang tumakbo no! Baka sya pa ang dahilan para ma Julie Vega kami.*

Naranasan ko na ding madakip ng pulis sa gawaing kong yan. Pero since may charm ako. Hindi pa naman ako nakukulong. Ang chika ko sa lespu eh… * Am just a confused art student.* And it works! [Di ko kayo hinihimok gawin yan okay!]

Masakit pa ang mga hita at mga binti ko… Pero since mainit nasa 50’s F something kaya ang panahon kahapon! Sinamatala ko ang panahon. Naisip ko baka nasa labas sila ngayon. Yong mga kagaya ni Barry.

Di naman ako nabigo. Nakakita ako ng isa. *Nyeta bawat lakad ko, isa-isa lang nakukuhaan ko ngarl!*

Ang style nag-pa-charming ako [Inilabas ang isang kahang sigarilyo, nagsindi ako. Hinit-hit ko na anino sarap na sarap ako sa ginagawa ko na kala mo eh 10 years akong hindi naka sigarilo!]

Di talaga ako naninigarilyo. Di ako marunong. Hit-hit buga lang ako. Pa-sosyal kasi ako eh. *Sabi nga sa akin ng isang kaibigan… Sinasayang mo lang pera mo! Hit-hit buga ka naman eh.* Kala ko kasi hit-hit lang sabay lalabas mo din usok. Di pala ganun. kelangan daw ipasok sya sa baga? Yon ang di ko matutunan! *Eh isaksak ko na lang kaya sa baga ko ang sigarilyo?*

Staka ko na i-post ang pix ni John dito. Mag-iipon muna ako. At Kwento ko din kung paano kami nagkakilala ni Doreen. Okay.

Lumabas ako kagabi… Nagliwaliw… Lumaklak sa club… Courtesy of Chuva. [Pansin nyo? Buhay ako sa Liberty?] Ang formula lagi kong dala.

Crush ko si Ms. Faye noon pa man. Muganda sya. Seksi. Malaki boobay. *Nahawakan ko nga kagabi eh. Pero nahihiya ako. Desente kasi ako! Sana nilaponga ko! SAYANG! Sabay snap ng fingers.*

Kaibigan sya ng kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ko. *Sa makatuwid madalas ko syang makita sa mga inuman at kung anik-anik na chuvalei na sosyalan.*

May pagka teaser sya, inaakit nya ako, sinayawan nya ako na kala mo eh lap-dancer. Pero di ako nagpa-apekto. *Sabi ko sa kanya tama na… Am having a hard-on!* Sa tagalog tinitigasan na ako… O, wag kayong mag-isip ng masama! Tinitigasan na ako ng kamao at baka masuntok ko na sya.

Diwa: Muganda si Faye no?

Chuva: Naman! Palaman!

Diwa: Pwede kaya syang modello? *Muganda kasi mag dala ng damit si Faye at laging postura!*
Make up at buhok laging ayos. Yan ang gusto ko sa babae di loshyang!

Chuva: Oo Tanungin mo! Okay yan sa black and white.

Sabay…

Diwa: Hi Faye! How are you? *Sabay beso sa lips ha ha ha…*

Faye: Hi! How you?

Diwa: Good! I was wonderin’ if you would like to model for me?

Faye: Sure! Actually, I was looking for a photographer! *Hindi sya nag sekantots*

Diwa: For what?

Faye: For my porfolio!

Diwa: Okay. Then hire me! *Kinuha ang number ni Faye at viola!*

O diba mag-gamitan kami! Pero ang tanong ko sa sarili ko… Pumayag kaya sya na gawin ang mga pa-GAGA-wa ko? Ang itulak sya sa hagdan at kunan ang reaksyon nya sa pagka-hulog nya? *Ha ha ha ha ha… [Malakas na halakhak]

May mga nagsasabi sa akin na bakit hindi ako mag litrato ng mga babaeng nakahubad? Hmm bakit nga ba? Masasabi ko lang dito. Eh takot ako. Baka kung ano pa ang mangyare… Alam nyo naman ang relasyon ng modello sa o sige na nga artits, diba? Eh disente ako noh!

Wala naman sigurong masama diba? Sa tanda kong to… Inurungan na ako’t lahat-lahat… Wala na akong nararamdamang (&%^%#$#@#%^&.

Baka nga sign na yan ng aking bagong tema… Si Faye… Abangan…

Popularity: 93% [?]

My Day Off (Friday.Day2)

Today’s the last day of my day off! I wish there’s a day 3, day 4, day 5, day 6, day 7… Lahat na ng day! Wala nang pasok-pasukan! *He he he… Ganun talaga, tsk something good has to end… Back to reality na-naman ako bukas.*

I told myself i need to do something more productive compared to Day 1 noh!

So i set an appointment with my favorite barbero, kasi naman ang buhok ko parang buhok na ng mangkukulam sa haba.

Tinawagan ko si Chuva at si Speak para i-meet ako for lunch ng makalibre naman ako *Shempre diba. Talagang itinaon kong lunch break nila. Di ko nakakalimutan ang formula ritz=bespren. Purihin kita giblab mo ko. Mga turo ng Inang Reyna.*

Sinuyod ko ata ang Ciudad ng Center City– Biruin nyo, Nasa 6th and Market na ako, napunta pa ako ng 10th and Market para kumuha ng atik sa ATM [Gumana na naman ang pagka Ekonomista ko. Aba $3.00 din matitipid ko doon no! Kahit suyurin ko ang buong ke-Menila-an hindi ako makakapulot ng $3.00! Take note bitbit ko ang tila isang toneladang bag ko!] Nang makakuha na ako ng atik, balik na naman sa 6th and Market para kitain ang mga bruhang sila Chuva at Speak! *For safety lang yong wi-nid-draw ko. Ayaw ko naman ng nakakatunga-nga lang ako sa kanila habang nakain sila kung hindi nila ako ililibre.*

Nakaraos na tanghalian ko. Late na ako sa appointment ko. Bumalik na naman ako… sa 9th and Market *Buset na buhay to o! Pero hindi pa din ako makapag decide kung anong gagawin ko after ng gupitan.*

Natapos na ang gupitan party. Nagugulumihanan ako kung saan na ako pa-pad-pad nito… Kung mag Flower Show ako o Museum. *Pareho kasing may bayad eh. Kung libre hindi ko na kelangan pagisipan yon! Haaayyy. [Malakas na malakas na malakas na buntong hininga!]

Bahala na kung saan ako dalahin ng mga paa ko. Naglakad-lakad ako. Hanggang sa dulo ng walang hanggan…

Eto ang kweba ng City Hall. Matagal-tagal na din akong hindi napad-pad sa lugar na ito. Noon kasi halos araw-araw andine ako. Tarbahu ko kasi noon errand girl/taga langhap ng mga alikabok sa Ciudad. So lakad dito, lakad doon dramuh ko noon.

Nagsawa na ako sa City Hall. Kaya lumipat naman ako sa kabilang kalsada. Na may malalaking dominoes, mga alagad sa chess. *Di ko na kinunan yon kasi mukang walang kwenta mga tao doon eh.*

Ayan ang ibidinsya. malaking plantsa. Natuwa ako doon sa mga bata kaya kinunan ko. *Sayang across pa pala nitong street na to may malaking sipit. Oo sipit, nakalimutan kong kunan. *Kamut-kamut ulo.*


Hindi pa din ako napagod naglakad-lakad pa ako further down the street. *Dala pa din ang isang toneladang bigat ng bag ko.*

Ayan ang Love Park during Winter. Balak ko sana pumunta sa Rittenhouse Park ang paborito ko, kaya lang wala sya sa family way.

Mapapalayo ako! *At saka baka may makita na naman ako doon eh. Wag na lang. Umiiwas na nga ako eh.*

Hala sige lakad lang. kahit na muka na akong transient sa ichura ko dahil sa bit-bit kong bag. *Rawr!*

Muganda ang Fountain na ito lalo na pag Summer. Mudaming tao, matanda at lalo na mga bata na nagtatampisaw. *Makiki-hugas sana ako ng kamay, kaya ako pumunta dito. Eh sarado pala pag Winter ang tubig. Kaines!*

Yan si Barry. Jan ko sya natagpuan sa Fountain.

Tila kakatapus lang ata nya kumain. Masuerte ako at mubait si Barry. Hindi sya nagdalawang isip na magpa kuha ng litrato sa akin. Mukang sanay na sanay sya. *Yan ang mga gusto ko! Wa kieme! Pag sinabing just be yourself. Be yourself, lang ang mokong o diva!* [Okay Barry just be yourself! Don’t think am here. Just do what your doing okay!]

Nagusap pa kami ni Barry. Tinanong ko sya kung ilang taon na syang homeless at anong ginagawa nya noon bago sya maging ganito.

Diwa: So, Barry how long have you been living like this?

Barry: For almost five years now.

Diwa: Whoa, That is quiet a long time now.

Barry: What can i do? I was disowned by my son.

Diwa: *Di ko na inusisa kung bakit, di pa naman kami close eh.* What were you doing before you became like this?

Barry: I was a Vietnam Veteran. See i lost my leg from that freakin war!)(&&%%##@

Diwa: Ah okay. Am sorry.

Ang kapalit ng litrato eh isang sigarilyo at .50 cents *Not bad!* Yan ang hiningi nya eh! [Wag nyo akong paparatangan na makunat ako. Yan ang hiningi nya so ibigay ang hilig! Madali akong kausap no!]

Interesado ako sa mga kagaya ni Barry. Gusto kong alamin ang istorya nilang lahat. Kung bakit sila naging ganyan.

Na-late nga ako eh. Di ko na naabutan ang mga kagaya ni Barry sa soup kitchen na malapit kung saan kami nagkakilala. *E di sana mas maganda ang entry ko ngayon! Sabay snap ng fingers!*


Nagpaalam na ako kay Barry. Binigyan ko pa sya ng ilang sigarilyo at $5.00! *Sabi ko magkikita kami ulit baka sa susunod na bwan. At sabi ko sa kanya sana makabili na sya ng bagong damit sa ibinigay kong pera.*

Di pa natapos jan ang aking trekking! Walan-jo! Hindi nga ako nag work-out ng isang bwan. Pero sa ginawa ko kanina. Para akong umakyat panaog sa Mt. Everest! Ngarl!!!

Di ako sumuko…

Pumunta ako sa Art Museum. Tambay lang. Pahinga. Baka sakaling makakita ako ng hinahanap ko. *Hindi si Kori ha! Wag nyo akong pangunahan!*

*Buntong hininga… Hingal-hingal lintak na mga hagdan to… Para akong aatakehin sa puso sa pag-akyat dito. Parang hagdan sa Grotto sa Baguio! Nak ng pating!*

Wala akong nakita… Eto lang mamang to.

Ano kaya ang sinisipat-sipat nya doon? *Tingin din ako sa lente ko sa dereksyon, kung saan sya nakatingin. Nyeta unu-ulol ako nitong mamang to! Wala naman masisipat doon eh.*

Espiya ata ito eh. Dectective. Sinisipat ata ang bintana ng Sheraton. Kung saan naka check-in yong magkalaguyong pinasusundan sa kanya.

Am on top of the World! *Feeling ko mala Titanic ako sa tuktpk ng Museum.*

Nakita nyo ba yan? Yan si George Washington tapos yong isang nasa malayo, yon si Ben Franklin ang City Hall! *Na-i-imagine nyo ba ang nilakad ko? Kung gaano kalayo? Dala ang isang toneladang bag ko?*

Andito pa din ako sa taas. Ayaw ko na bumaba. Masarap pala ang nasa itaas… He he he…


Yan si Kathleen at si Rick. Jan ko lang din nakilala yang dalawang yan kanina. Mabait din yang dalawang yan. At napapayag kong mag pag litrato.

Ang unang tanong sa akin ni Rick… Filipino or Korean? Aba eh di Penoy. Sabay sya din pala. Nag kwentuhan pa kamo kami.

Ang kapalit ng litrato nila? I-vi-nedeo ko sila.

Kaya lang may katangahan sa pag video ko. Na video boses ko at conversations namin! *Ahahaha…*

Punyeta nga eh. Naalala ko. Ako ang ini-enterview. Ano ba yon! Diba dapat ako. Syet na malagkit… Nagkadikit-dikit.

Ayan pauwi na ako. Nakikita nyo ba tong mahabang daan na to? Yan ang babay-bayin ko ulit! Waaahhhh… Inay asan ka ba? Asan ka ba ng kailangan kita?

Nag dilang angel ata ako. Kasi biglang tumawag si Inang! Kala ko alam nya na nasa Ciudad ako at makiki-chika.

Reyn: Oy Diwa, Asan ka?

Diwa: Andito sa Ciudad.

Reyn: May itatanong sana ako sayo eh. Yosi tayo.

Diwa: Wala ako sa tarbahu. Off ako ngayon. Tara yosi tayo! Saan ka pupuntahan kita!

Reyn: Nasa 21st and chestnut ako. Sa Tarbahu ko.

Diwa: Ay tamang-tama nasa 21st na ako! Give me 5 mins. Anjan na ako. *Yan naman ang gusto ko eh. Libre na lunch. Llibre pa ang meryenda! He he he* [Ritz=Bespren Formula! Todo na itoh.]

Makaraan ang limang minuto.

Diwa: Reyn Andito na ako! Asan ka?

Reyn: Give me 10 mins. *Mukang busy at may kausap ata sa harap nya.*

Antagal kong nagantay… Lintak na 10 mins yan o. Nasa kanto lang ako nakatayo. *Sabi nya kasi 21st and Chestnut eh.* Inaaliaw ang sarili ko…

Nang makita ko ito… Hmpt! I wonder how much is a bottom. Yon agad ang nasagot ko sa isip ko.
*Ngak-ngak-ngak*

Nakaraan na ang ilang minuto. Ayan si Reyn natawag na.

Reyn: Asan ka?

Diwa: Abay nasa 21st and Chestnut po ako. Sabi mo dito diba? Asa kanto ako.

Reyn: Di jan. Pumunta ka dito sa 20th and Chestnut! Ayan nakikita na ata kita!

Diwa: O sige bye. Nakita na din kita.

Walanghiyang Reyn ito nililigaw pa ako! Ayaw pa sabihin kung saan sya. Hindi ko naman sya ki-kid-napin!

I was so beat! *Pagod na pagod ako, pudpod na sapatos ko. May kalyo na bawat dariri sa paa ko. But i think everthing was worth it! Haayy…

***Please watch out for my upcoming speacials.***
About :

Reyna Elena!!!
San Franciso (Mission Street and Civic Center)
Los Angeles (East L.A.)

I still have to get an approval with my Agent on my San Francisco and Los Angeles plans. We still have to talk to our sponsors.

Yong kay Reyn kahit sa isang linggo pwede na yan eh he he he…

Popularity: 100% [?]

Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

RECENTPOSTS

RECENTCOMMENTS

MOSTCOMMENTS


www.e-referrer.com



MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers