More About Me...

I have alot of self-esteem, which is amazing. Cause I am probably somebody who wouldn't necessarily have alot of self-esteem... As I am considered a Minority.

Another Tit-Bit...

If you are a woman, a person of color, gay/lesbian/bisexual/trans-gender, a person of size, a person of intelligence, a person of integrity... Then you are considered a Minority in this world.

Archive: February 2007

Persona

I was interviewed by Ngerl Abunda and i want to share it to you… Enjoy!

Ngerl Abunda: Hi Diwa! I am soooo happy to meet you! How are you?

Diwatangbyaning: Hi din! Okay naman akoKamusta ka naman?

Ngerl Abunda: Ohhh am good, good, good!

Diwatangbyaning: Ahh okay… *On a subtle tone*

Ngerl Abunda: Thanks for giving me the chance to interview you! It’s was such a pressure!!!

Diwatangbyaning: Okay… Walang problema… Anytime basta ikaw! *Hapon kaya si Ngerl?*

Ngerl Abunda: Am gonna go straight to the point… I have a few questions here okay. Your site, what is this all about?

Diwatangbyaning: Hmm nice question! Next question please? *Hagalpak ng tawa*
Actually i don’t have an effin idea talaga kung ano ang silbi ng site ko at kung ano ang theme koSiguro dapat palitan ko ng title no? How ’bout sari-sari or halu-halung kalamay? *Har har de har har* It’s about my everyday life… Mga adventures koMga samut saring pichurakas!

Ngerl Abunda: I noticed that you always speak tagalog on your site… Why is that?

Diwatangbyaning: Yeah baby! That is my Market. I want Filipino viewers and besides it’ll be all different if i’ll use English language… Mawawala yong dating! Gets mo? At chaka… Very limited ang English ko! *Hahahaha ngisi-ngisi*

Ngerl Abunda: Gocha!

Diwatangbyaning: Eh yon naman pala eh!

Ngerl Abunda: Are you a full breed Filipino?

Diwatangbyaning: Nope! And that would be my Mother’s fault… She’s partly Italian and Filipino Chinese.

Ngerl Abunda: You speak fluent Tagalog. Were you born in the Philippines?

Diwatangbyaning: Nope… I was born here in the States, and when i was a bit over 6 yrs. old my Father was deported back to the Phils., due to some immigration issues, mahal na mahal ng Inang ko ang Erpats ko! At ikakamatay daw nya pag nagkahiwalay sila… So bumalik kami ng Pinas para makapiling ang Tatay ko… Namatay ang Nanay ko sa pagmamahal sa Erpats ko… Sa kunsumisyon! After my 18th birthday I diwatangbyaning decided to go back to my pinagmulan.

Ngerl Abunda: I noticed that you have nice photos on this blog! Have you ever been commisoned? Are you an Arist?

Diwatangbyaning: Oh gee thanks! Hobby ko lang yan. Ako artist? *Ha ha ha Tawang malakas!* Pagkakaintindi ko kasi sa artist eh someone who studied arts, sell thier stuff and at the same time wala pa ding pera! *Tawa ulit ng malakas he he he he* I haven’t been commisioned as of yet, but i’ll be working on that. Busy lang ako ngayon.

Ngerl Abunda: Aren’t you cold? Naka tank top ka lang at naka capri… Summer na summer ang dating mo ah! Kanina ko pa gustong itanong sayo ito, pero nahihiya lang ako. Merong ka bang tribong kinabibilangan o ex-convict ka ba??? Napansin ko kasing tadtad ka ng mga tattoo at piercing sa katawan mo!

Diwatangbyaning: HA HA HA HA Ngerl ur soooo funny!!! Nahihiya ka pa pala ng lagay na yan no? Eh halos itanong mo na sa akin lahat ah… Kulang na lang eh tanungin mo din ako kung sino ang bumaril ke Rizal!!!! *Antipakitang tonong sagot ko ke Ngerl!*

Ngerl Abunda: Is it true that yous a PA? [As in Personal Alalay? O isa lang yang palabas?]

Diwatangbyaning: Totoo yan Ngerl. Bakit naman ako magpapalabas ng ganyang publicity sisikat ba ako? Hiya ka pa… PA… PA… Kapa jan… Oo katulong ako! Gusto mong palinis? *He he he he*

Ngerl Abunda: Katuwa ka naman Diwa! Tawa ka ng tawa lagi… Wala na akong narinig sayo kung di halakhak…

Diwatangbyaning: Life is short… *Sabay biglang wa imik*

Ngerl Abunda: Kung mabibigyan ka ng $1 million ngayon anong balak mo sa pera?

Diwatangbyaning: Bibigyan mo ako? *Excited kong tanung????* Magaaral ako ulit!

Ngerl Abunda: Hindi wala naman akong ganyang pera eh! That’s a very good answer! Ano bang natapos mo?

Diwatangbyaning: Gusto ko lang ipagpatuloy kung saan ako nahinto…

Ngerl Abunda: At ano naman yon? Saan ka ba nagaral?

Diwatangbyaning: Mga tanong mo ha! Sumusobra ka na! Baka makilala na ako nyan!

Ngerl Abunda: Hindi ko naman tinatanong kung anong pangalan mo eh.

Diwatangbyaning: O sige na nga… Elementary up to High School sa IS ako. Tapos nong college some Business School… Ngayon balak ko sana mag Wharton!

Ngerl Abunda: Hindi nga? IS? Madami akong kilala jan! Wharton? Aba ang taas naman pala talaga ng pangarap mo? Eh ilang bahay ang kelangan mong linisin bago ka makapasok kaya jan? *Ngi-ngisi ngisi*

Diwatangbyaning: GAGA. IS= Ibat-Ibang School!… Libre lang mangarap Ngerl! Sky’s the limit yan!

Popularity: 3% [?]

Colored Pencils

Their not that sharp, but their colorful…

More Info:
Canon EFS 18-55mm
Macro Shot
My Studio

Popularity: 3% [?]

Illuminated


Everything is illuminated…

Popularity: 4% [?]

Chika Connek Update

Di ko na talaga matiis ang panga-ngati ko… Madali kong tinawagan si Dra. Belen at nagpa singit ako ng appointment kanina. *Matagal pa ang pinag-antay ko sa naturang Doktor kesa sa pagtingin nya sa akin*

*Ehem-eherm….*

Diwa: Doc may malaki po akong problema, sana poy akoy matulungan ninyo. May mga kati-kati po ako sa kadahilanang nagaalaga po ako ng aso ngayon eh tila po yata allergic ako sa pets. Gusto ko po sanang mag-pa-subscribe ng gamot sa inyo kung maari lang ho ng maibsan ang aking pangangati…

Doc: Hindi ako bilihan ng magasine iha… Baka ang ibig mong sabihin eh prescribe? Yon nga ba ang gusto mong mangyari? Walang problema. Iha mag hubad ka nga, ng makita ko ang mga rashes mo…

Diwa: *Walanghiyang Doktor to, pinahiya pa ako arggghhh!!!!!!! Pareho lang naman yon may cribe naman din sa huli kanines* [Habang ginagawa nya na ang mga test sa akin]

Doc: Iha hinga ng malalim… Inhale… [Aba 5 mins na akong naka inhale di pa din nagpapa exhale ah pinapatay ata ako nitong Doktor na no!!!] Ok exhale… Normal naman ang paghinga mo…

Diwa: Ahhh ganun po ba?

Doc: Wala akong nakikitang problema sayo… Di ka din allergic sa aso… Dahil kung may allergies ka sa aso eh tipong mahihirapan kang huminga! Na tipong nag a-asthma ka. *Madiing sabi ng Doktor*

Diwa: Eh bakit po ako nagkakaroon ng mga rashes?

Doc: 2 ang hula ko.

Una madumi ang dugo mo kaya ka galisin.

Pangalawa ang asong inaalagaan mo ei mayroong kuto…

Diwa: *Punyetang Doktor to… Pigilan nyo ako… Baka hindi ako makapagpigil dito at… Ahhh pasalamat kang Doktor ka at maganda ka!!!! Nilalait-lait ako nyeta! Galisin daw??? Sana naman sensitive skin nasa Amerika na tayo eh!*

Doc: Advice ko sayo Diwa, get rid of that dog!!!! Now!!!!

Diwa: *Aba utusan ba daw ako?* Ah eh ah kasi ho di pwede kasi sa biernes pa babalik ang mga magulang nyan…

Doc: Ikaw ang bahala sinasabi ko lang sayo…

Popularity: 3% [?]

No job is too small or BIG for me. (Kakaloka)

Kung ang Army eh may. Be All, You Can Be. Ang sa Navy naman eh, It’s Not Just A Job, It’s An Adventure. Sa mga taga Makati naman eh, Makati Mahalin Natin, Atin Ito. At mga taga Paranaque eh, Clean And Green Paranaque. Ako naman ay merong… No Job is too small or too BIG for me.

Oo totoo wala akong hini-hindi-ang tarbahu, basta kaya ko at hindi tipong *Wanted sexy cleaner na kahit pa $50 an hour ang bayad, naku hindi pa kaya ng powers ko yan day!*

Ang iba kong kaibigan nagtatanong kung Instik daw ba talaga ako????? Tila daw may lahi akong Bumbay at Mexicano eh *Hindi nyo na itatanong nagtitinda ako noon ng chicharon, mani, kendi’s soda at phonecards dito sa aking pang umagang tarbahu sheeshh wag kayong maingay sa amo ko, paktay ako pag nagkataon!*

Nung isang araw may natanggap akong tawag sa isang tao na nakilala ko dito sa aking day job, at tinatanong ako kung gusto ko daw magalaga ng aso kasi magbabakasyon daw sila. Di ako nag dalawang isip. Nag oo agad ako sa alok, aba pambayad renta din yon no! *Alam ko ang aalagaan ko Bratinella*

Mahilig ako sa mga pets, aso in particullar. Gusto ko ngang hiramin si Simba kay Chuva eh, para naman mapasyal sa KPSCC [Kilalang Park Sa Center City] kasi naman mas madaling maki pag chickahan sa mga chikababes na ma-cutie na may aso ding dala ohh diba! [gets nyo?] Yun nga lang ang muder ni Simba wa tiwala sa akin paano daw kung maisipan kong maginom habang kasama anak nya at kung ano ano pang palusot! Na kesyo baka masagasaan chenalyn…..

I love animanls!!!!!!!!! As a matter of FAQ I am a active member of PETA [People Eat Their Animals]

Meet my alaga… Jasper *Spoiled yang bruhang yan! Ayaw kumain sa kainan nya… Gusto di subo!!!! Nyeta X ko nga di ko nasubuan tapos sya papasubo-subo?*

Unang araw ko sa balay nila Jasper, ang una kong sinilip ay ang pantry at ang ref. Muka yatang may anomalyang nangyayare dito!!! Panay Jasper ang pangalan ng delata at ng nasa freezer na steaks…. Lahat Jasper… Jasper… Jasper… Jasper *Umuusok ang tengga ko siya na lang lagi!!!*

Naghanap pa ako baka sakaling medyo naligaw lang yong mga steak at delata na nakalagay ang pangalang Diwa! Ngunit wala! Binaliktad ko na ata ang kanilang La Germania pero wa… Wala talaga… *Punyeta tao din naman ako, nagugutom din! Buti pa kina Ati kahit flurwax ang akin atleast ginapakain nila ako! Buntong hininga*

Eto ang ibidinsya… Sosyalin diba? *Nilulutuan ko pa yan ng steak at gulay, pero misan pag gutom ako at tamad bumili sa labas, eh gulay lang sya at mga 5 pirasong maliit na hiwa ng karne! O kaya ginapaltan ko ang kanyang steak ng aking lucky me pancit canton!*

Sa sobrang sama ng loob ko dahil walang iniwang bogchi sa akin, naglasing ako sa una kong gabi! *Hik–hik–hik*

Kinaugalian ko ang kumain pag naka inom kahit na late pa, para mawala ang lashing! *Hinalungkat ko ang ref. at nakakita ako ng mac and cheeze. Jackpot sabi ko sa aking sarili!*

Kinaumagahan sa aking pag-gising. *Feel na feel kong namamaga ang muka ko at ang dami kong kati-kati. Dali dali akong pumunta sa banyo, para usyosuhin…* [Ekkkkk anong nangyare sa kutis kong mala porselana????????] May allergy pala ako sa aso! *Dehins ko alam yon ah!*

Tinawagan ko si Chuva para makipag-cheezemakan. Naikwento ko! *Nasa kabinag linya si Chuva… Blah-blah-blah… Grabe may allergy pala ako Atih sa aso hindi ko alam! Madiin kong sabi!*

Kinahapunan ng mawala ang hang-over ko, tinawagan ko ulit si Chuva tila may naalala akong katarantaduhang ginawa ko nong gabi! *Atih may confession ako… Di kaya sa dog food ako allergic? Sagot ni Chuva [Oh, no you didn’t! Na may kasamang hagalpak na tawa!] Kinain ko kasi yong mac and cheeze na para talaga kay Jasper yon eh! Lesson learned, ang para kay Jasper ay kay Japser lamang at kanyang-kanya na!!!!!! Nagsasalita habang kamot ng kamot*

Heto ang katibayan na aping-api ako dito sa pamamahay nato. Jan din ako matutulog pero tila gusto nyang swapangin ang kama! *Mga tinging sa kanyang mga mata eh ang sinasabi eh LECHE KA DIWA! AKO AMO DITO! HINDI IKAW! naman!!!!!*

O diba katibayan na sa Lapag’e beauty ako talaga!

At eto pang isa… Nakikita nyo ba yan? Hindi ko to desktop ha! Yan ang balay ni Jasper kuha sa labas… 16 channels yan… Laban kayo? Bawat sulok sa labas ng bahay may surveillance cam!!!!!!

Feeling ko nga minsan nasa reality show ako eh! [Na tipong mala Jackie ng Work-out ang chika ko… Malay ko kung may cam din sa loob ng bahay no… Kaya ang mga pag arte ko naman pang Oscar! Aba mahirap na baka next month eh nasa YouTube na din ako! Ayoko ata non.]

Kaya pag time na maligo ng lola nyo… Lights off na ako *Ayaw ko bukas ang ilaw baka naman sa susunod na edition ng Girls Gone Wide eh kasama na ako, and besides napakalaki ng bintana sa banyo at lace lang ang kurtina! Feeling ko tuloy isa akong goldfish na nasa aquarium na pinagpipisatahan ng mga tao sa labas, pwede bah!

Osha-sha sa susunod ulit na Adventures of Inday! Maga luto pa ako sa alaga ko… Baka mangayayat to ako pa masisi. *Mega ispluk habang kamot ng kamot ng kamot ng kamot!!!!!*

Popularity: 3% [?]

Protected: I am off today!

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Popularity: 4% [?]

Masama ang loob ko! *buset na buhay to!*

Okay okay, nakabalik na ako kung saan man ako nang galing.

Nang maisipan kong chek-in ang aking camera aba aba aba… Panay itim at puti lang ang nakikita ko …. *Wahhhhhh anong nanyari? Tinangal ko na ang baterya. Lahat na sinubukan ko wa epek pa din!!!!*

Masama ang loob ko, kasi alam kong gatos na naman ito!!!! *Nag ca-canvas na nga ako ng bagong camera eh, same pa din pero mas mataas na ang pixel, pero tila mamahal pa din.* Palibhasa GSM ang camera ako… *Globe-Smart-Mobileline?* GAGA! *Galing Sa Magnanakaw!*

[May i surf sa site ng Casio, ayun nakita ko na ang gusto ko parehas na parehas pa din yon nga lang mas maatas na ang pixels nya. Fixated ako sa orange kaya kung bibili ako orange pa din ang gusto ko, pero hindi ko muna bibilihin hanggat wala akong naririnig pa mula sa Repair Service.
Eh kung pagbabayarin lang ako ng $50 keri na! Pero malabo yan, dito pa ang mahal mahal ng labor!!!!!! Kung tatagain nila ako might as well dagdagan ko nang lang at may i upgraded na ang beauty ko sa 7 pixels diba?]

Madali kong hinanap ang phone number ng manufacturer at tumawag kahit alam kong paso na ang warranty nya. *Hi I am calling regarding my kwan… You know yeah my camera, am having problems with it, i can still take photos but, there’s a black and white thinggy on it’s LCD.
At sabi ng costumer rep Okay, just send it in and well fix it. I think that is a mufacturers defect!*

Nag qoute ng more or less $80 ang rep. Pero hindi ako naniniwala. Pero pinadala ko pa din aba sayang din yon no. Maglakad man ako mula bahay ko hanggang sa bahay ng kabit ko eh hindi yata ako makakapulot ng $80.

Langyang manufacturers defect yan chaka lalabas kung kelan paso paso na ang warantty arggggggggg!!!!!!!!!!!!!!!

Kasama ko ang aking digital camera sa aking pang araw araw na buhay. Umaraw. Umulan, o Mag snow. Parang cellpown ko laging nakakabit sa akin. *Alam mo ba yong feeling na pag wala sayo ang cell mo hirap kang huminga? Nararamdaman ko yan ngayon, ngayong wala akong digital sa bag-gey ko.*

Kung di nyo na itatanong Casio po sya… Camera sya hindi calcullator.

Hindi naman sya sira eh gumagana pa din!!!! Nakaka pag take pa din ako ng pictures, yon nga lang hindi ko makita ang kinukunan ko since ang LCD black and white. Kelangan load agad sa pc lol. *Haaay buhay, di kaya ito sign na wag na akong mag photoblog?*

Popularity: 3% [?]

Hi, Hello, Goodbye.. L.A (adios me patria condensada)

Everybody comes to Hollywood. They wanna make it in the neighborhood. They like the smell of it in Hollywood. How could it hurt you when it looks so good *Madonna sings in the background*

Natatandaan nyo pa ba ang sinabi ko nong bago ako magpunta dito at oo bago kami mag emergency landing ng LHR., Ang mga katagang I am Diwatangbyaning this is my legacy…, I am gonna pursue my dreams of stardom… Well, guess what? It’s still a dream *buset na buhay to!*

Yeah yeah yea, andito na ako sa L.A at bukas na bukas din lalayas na ako kasi mga walang kwenta tao dito!!!! *sa Lapag’e Inn ka ba naman pag is-teyin? samantala nong sila ang dumalaw sa akin sa Papag’e Courtyard ko sila pinatulog noh mga walang utang na loob…*

Sana hindi na natapos ang ang masamang weather sa Hamerica ng sana sa London na lang ako nanatili! Sana pabalik ko bukas sa Gatwick naman ang emergency landing sarap daw sa Villa Lapag’e balita ko… Sawa na ako kasi sa Chateau Lapag’e ng Heathrow eh. *haayyy, buntong hininga*

Popularity: 4% [?]

Wish List..*maga wish upon a mega na lang ako..haayy*

Malapit na ang Birthday ko kung tutu-usinSa darating na December kaya eto may i make na ako ng wish list

Eto ang pinaka-aasam ko Macbook Pro haayyy… You’re beautiful talaga!!!

Pero pwede na din ito kung di talaga uubra yong Macbook Pro he he he… Ang taas talaga ng panagrap ko no? *aba libre lang mangarap no!*

Isa pa to. I want this!!!!! *kahit wala akong SLR na pagkakabitan… wala na lang pakialamanan kanya kanyang trip lang yan!*

Maka layas na nga at makahanap ng maganda at mayamang R.N (Retarded Nurse)

Photos from

www.compusa.com

Popularity: 4% [?]

Na Timang Sa Sobrang Kabatuhan

I was so bored at the airport so i decided to took some photos…
(Habang feel na feel ko ang prenteng pag kaka hilata ko sa Chateau lapag’e ng herport!, Dahil hindi daw kasalanan ng lecheng TWKA yan!)

…Just some FA (Flying Atchay) At some Irish Pub. After having a banger, a crisp and 2 pints of Guiness with some Bobby, eto ako… (Ngengenge, I gtg na baka maiwan na ako ng aeroplano nyan…, ayaw ko na maging iskwater sa herport… Bye lyndon *feeling british accent talaga* , aalis na ako dito sa phonebooth na to. Baka ma kick out pa ako rine… ang kaso? DUI, Dialing Under the Influence…he he he)

[Am sorry but i have to delete the pix… Mahirap na at baka masyadong ma expose ako… Ayaw ko pa namang mag artista… ayaw kong masira ang buhay ko!!!]

Popularity: 4% [?]

Ad Spot Ad Spot Ad Spot
Find a diwata!


faQ:80% of all pictures on the internet are of naked women.


Want to share something with me and the rest of the world? Tell it to my heart!(Your secret is my secret) CLICK-CLICK-CLICK tellittomyheart-copy.jpg

RECENTPOSTS

RECENTCOMMENTS

MOSTCOMMENTS


www.e-referrer.com



MYRSSFEEDS

Ganda mo! Enter mo na email address mo, sige na...: Delivered by FeedBurner

MYCATEGORIES

TINDAHANNIDIWA

 Subscribe in a reader


My Other Blogs


YoungCanCook

youngcancook1.png

Walk With Young

walk-with-young-stamp.jpg




winnerfamelogo.jpg

Add to Technorati Favorites
website counter
Web Page Rank Icon


Locations of visitors to this page
eye em cheaper than your average whore


View blog reactions
Fight Spam! Eat Maling!
Subscribe with Bloglines

Pinoy Top Sites
Asia Top Websites and Blogs
Humor blogs
blogarama - the blog directory
View blog authority


www.globaltopblogs.com
Humor - Top Blogs Philippines


feel free to grab the fairie... (wag nyo lang angkinin!)
Let's Link Up!


kcat.jpg

ofwlogo100.png
Love Beyond Gender

reyna-button125.JPG
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Chuva Chienes
125x125.jpg

Recent Readers. These are the cool and trendy people that reads my blog!Recent Readers